“Next Level Young Leaders: I-Mine ang Karapatan, I-Unlock Magandang Kinabukasan”

Ito ang tema ng isinagawang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) National Children’s Congress na isinagawa noong November 17 – 21, 2025 sa Quezon City.

Aktibong nakibahagi ang mga itinanghal na provincial and regional winners ng 4Ps Exemplary Child mula sa iba’t ibang mga rehiyon ng bansa kabilang ang mga delegado mula sa Gitnang Luzon na sina Ameia Madeliene Gragasin, regional winner mula sa San Jose, Tarlac, Kalliah Glemao, provincial winner mula sa Baler, Aurora, Amielle Jade Bordios, provincial winner mula sa Bustos, Bulacan, at Angel Faye Pumaras, provincial winner mula sa Licab, Nueva Ecija.

Sa pamamagitan ng mga group activities and workshops, nagbahagi ang mga partners kabilang ang Save the Children Philippines ng orientation patungkol sa child protection, safeguarding, and respectful participation, ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) naman ay nagbahagi ng Understanding the Four Pillars of Child Rights, ang Council for the Welfare and Children (CWC) ay nagbahagi ng introduction kung paano naiuugnay ang UN Convention on the Rights of the Child (UNCRC) pillars (survival, development, protection, participation) sa mga polisiya ng 4Ps Act (RA 11310) at National Children’s Month (NCM) Celebration (RA 10661), at ang Malusog at Matalinong Bata Coalition naman ay nagbahagi ng Understanding the Philippine Legislative Process at Role of Advocacy in the Legislative Process.

Nagkaroon din ng educational tour sa National Museum of Anthropology upang matuto at mas makilala ang kultura at pagkakakilanlan ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang mga bayan at sa Senate of the Philippines para sa mga kabataan upang mas maintindihan nila ang proseso sa pagbuo ng mga polisiya at batas. Nagkaroon din sila ng pagkakataong makadalo sa isinasagawang senate hearing.

Binigyang pagkilala rin ang binansagang child hero ng Cebu na si Jayboy Magdadaro at ang mga former 4Ps monitored children na nag-topnotch sa licensure examination na sina Jonalyn M. Dalanon (Top 1 in the Fisheries Technologist), Lean Mae Ternida (Top 10 in the 2025 Psychometrician) , at ang mga abogado na si Atty. Kerth Jay O. Alunan, CPA, at doctor na si Dr. Jessel Lumayag.

Nagpaabot din ng pagbati at inspirational message si Mr. Dingdong Dantes matapos lumahok ang mga piling 4Ps exemplary children sa Family Feud ng GMA-7 (https://tinyurl.com/39pedkrp).

“Para po sa mga kabataang 4Ps, ipagpatuloy niyo ang pag-aaral, ang pangarap, at pagsusumikap. Kaya lagi niyong tandaang walang survey says, dahil kayo mismo ang sagot sa mas magandang kinabukasan.”, aniya.

Nagbahagi rin si DSWD Secretary Rex Gatchalian ng mensahe ng pagbati at paalala.

Ayon sa kanya, “Galingan niyo kasi kayo ang mga modelo ng 4Ps, ang dami kasing maling kuro-kuro, malaking akala, maling pagkakaintindi, tungkol sa 4Ps kaya marami pa ring tao ang hindi maganda ang tingin dito. Maraming bata ang natutulungan ng programa kaya nga pinag-usapan natin ano ang pinakamagandang child protection na mekanismo sa Pilipinas ako taas noo kong sinasabi, 4Ps ang pinakamagandang child protection na mekanismo ng ating bansa.

Ang request ko sa inyo, gamitin niyo yung social media niyo para ikwento ang inyong mga istorya ng tagumpay niyo tungkol sa 4Ps. Maging ehemplo kayo sa inyong mga komunidad.

Kayo ang buhay na ebidensya na gumagana ang 4Ps at nakakatulong ang 4Ps.”

Bilang bahagi naman ng culminating activity, masayang ipinamalas ng mga kabataan ang kanilang pinaghandaang production number kung saan sila ay nagpamalas ng talento sa pagbabalita, pagkanta, pagsayaw, at pag-arte na alinsunod sa tema ng National Children’s Congress.

Nasa isinagawang aktibidad din sina ASec. for Operations and Concurrent Officer-in-Charge Marites M. Maristela, CESO III at ASec. Atty. Elaine Fallarcunang ng Conditional Cash Transfer Group, 4Ps National Program Manager (NPM) Director Gemma Gabuya, USec. Atty. Adonis P. Sulit, CESO II ng Policy and Plans Group, USec. Diana Rose S. Cajipe, MD, FPOGS Disaster Response Management Group (DRMG), Chief Maya F. Faisal ng UNICEF, USec. Angelo M. Tapales ng Council for the Welfare of Children, Lyonel Tanganco ng Malusog at Matalinong Bata Coalition, at Alberto S. Muyot ng Save the Children.

Ang National Children’s Congress ay isinasagawa taon-taon para sa mga batang benepisyaryo ng 4Ps na layuning isulong ang mga karapatan at kapakanang pambata. Layunin din nitong alamin ang mga napapanahong isyu at kung anong mga rekomendasyon ang maaaring maging solusyon ng mga ito. Ito ay isinasagawa tuwing buwan ng Nobyembre kung saan ipinagdiriwang ang National Children’s Month, alinsunod sa RA 10661.“Next Level Young Leaders: I-Mine ang Karapatan, I-Unlock Magandang Kinabukasan”

. ##