LA PAZ, TARLAC — Isinagawa ang malaking Caravan of Services para sa mga 487 transitioning and exiting 4Ps beneficiaries mula sa labing-isang (21) mga barangay ng bayan.
Layunin ng aktibidad na ito na maihatid at mailapit sa mga benepisyaryo ang iba’t ibang programa, serbisyo, at oportunidad mula sa mga ahensya ng pamahalaan at mga katuwang na pribadong institusyon upang sila ay maging handa tungo sa mas matatag, maayos, at produktibong pamumuhay.
Ang mga serbisyong ibinahagi sa halos limang (5) araw na caravan of services ay ang mga sumusunod;
1. Nagbahagi ang Department of Trade and Industry (DTI) ng mga kaalaman ukol sa iba’t ibang short course skills training, kung papaano magsimula ng isang negosyo at kung paano makakatulong ang ahensya sa kanilang mga plano sa pangkabuhayan. Naisagawa din nila ang financial literacy at entrepreneurial mindset session upang linangin ang kaalaman ng mga benepisyaryo ukol sa kung paano magplano, mag-impok, at magsimula ng maliit na negosyo.
2. Ang Palawan Group of Companies (ProtekTodo Insurance) naman ay nakilahok sa aktibidad na isinagawa, at sa pakikipagtulungan ng MSWD Office at Lokal na Pamahalaan ng La Paz ang lahat na 487 exiting beneficiaries ay mabibigyan at marerehistro ng isang taong insurance coverage sa ilalim ng ProtekTodo 100 program ng Palawan Group of Companies.
3. Ang Personal Collection Direct Selling Inc. naman ay tinalakay ang mga business opportunities at hinikayat ang mga benepisyaryo na magparehistro at maging bahagi ng kanilang network bilang dagdag na kabuhayan upang patuloy na umunlad ang pamumuhay ng mga benepisyaryo. Opisyal na narehistro ang 20 beneficiaires bilang bahagi ng kanilang network at 55 beneficiaires naman ang narehistro at nakatakdang aprubahan ng opesina ng Personal Collection. Layunin Personal Collection Direct Selling Inc. na makapagbigay ng dagdag na oportunidad at kita sa kabuhayan ng mga benepisyaryo.
4. Nagbahagi naman ng impormasyon ang Tarlac School of Arts and Trades, Inc. (TSAT) ukol sa iba’t ibang mga courses at skills training na bukas para sa mga nagnanais magpatuloy sa pag-aaral at mapaunlad ang kanilang kakayahan. At dahil dito may mga benepisyaryo na naipalista ang pangalan ng kanilang mga anak para sa magandang oportunidad na maibibigay ng TSAT.
Ang isinagawang aktibidad na ito ay isang patunay ng patuloy na pagtutulungan ng DSWD Field Office 3 SWAD Tarlac, La Paz Municipal Action Team, MSWD La Paz, at iba’t ibang partner institutions sa paghahatid ng serbisyong may malasakit para sa mga benepisyaryo ng 4Ps.
Ito rin ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagkakaroon ng mas matatag, may kakayahan, kaginhawaan, at maunlad na mga pamilyang Pilipino. ##





