Visit Site

BAMBAN, TARLAC — Noong ika-17 ng Nobyembre, matagumpay na naisagawa ang Caravan of Services for Transitioning 116 Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Beneficiaries kasabay ng Pugay Tagumpay, isang makabuluhang seremonya na kumikilala sa mga benepisyaryong matagumpay na nakaabot sa yugto ng pag-exit mula sa 4Ps.

Layunin ng aktibidad na maihatid ang komprehensibong aftercare services at pagkilala sa kanilang mga pagsisikap habang tinutulungan silang makapagtatag ng mas matatag, produktibo, at maunlad na pamumuhay.

Pinangunahan ang aktibidad ng DSWD Field Office 3 – Central Luzon Municipal Action Team (MAT) Bamban, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Bamban, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga partner institutions.

Mga Serbisyong Ipinagkaloob:
• Public Employment Service Office (PESO):
– 59 TUPAD Facilitation
– 7 Employment Assistance

• Palawan Insurance (ProtekTodo):
85 – Life & Accident Insurance Coverage

• Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO):
70 – Provision of Vegetable Seeds

• Local Civil Registry (LCR):
3 – Free late registration of the Birth Certificate

Sa pamamagitan ng Pugay Tagumpay, kinilala ang pagsisikap, katatagan, at dedikasyon ng mga pamilyang 4Ps na nagtagumpay sa kanilang paglalakbay sa programa at ngayon ay handang harapin ang panibagong yugto ng kanilang buhay na may kasanayan, kaalaman, at mas malawak na oportunidad.

Patuloy ang pagtutulungan ng DSWD, Local Government Unit (LGU), at mga katuwang na institusyon upang matiyak ang isang maayos, makatao, at makabuluhang transition para sa lahat ng 4Ps beneficiaries. ##