Ako po si Darren Kyra Bernardo mula sa Brgy Longos, City of Malolos, Bulacan. Anak po ako ni Ginang Editha Dela Cruz Bernardo, isang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiary.
Ang aking pagpasa sa board exam ay magdudulot ng pagbabago sa aking buhay sa iba’t ibang aspeto. Magagamit ko na po ito sa pagta-trabaho ng permanente para makapag provide para sa pamilya.
Para po makatulong sa aking pamilya at komunidad, plano ko pong gamitin itong kakayahan ko sa pagbibigay po ng serbisyo sa tao. Sa ngayon po, nasa isip ko po ang medical field since dito rin po ako nahasa at nagkaroon ng higit na kaalaman sa pagbibigay ng direct service hanggang sa pagbibigay ng serbisyo sa community.
Sa mga kabataang nangangarap din maging matagumpay, maki-alam tayo sa kung anong mayroon tayo sa lipunan natin, mula sa pakikisalamuha hanggang sa pagbibigay ng serbisyo na kailangan at nararapat na makamtan ng bawat isa, ang bawat tagumpay ay may kalakip na proseso, kakayahan at tiwala sa kung anong magiging resulta nito. Nais ko pong magpasalamat sa 4Ps program sapagkat ito po ang aming naging hagdan upang patuloy na mangarap at makapagtapos ng pag-aaral.##