Si Marinella G. De Guzman, mula sa Mexico, Pampanga, ay kabilang sa 7,334 na matagumpay na nakapasa sa Licensure Examination for Social Workers ngayong 2025.
Siya ay dating benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), isang programang humubog sa kanyang pananaw sa buhay.
“Malaki ang naitulong ng 4Ps sa edukasyon naming magkakapatid,” kwento niya. Ang pagmamalasakit na nakita niya sa mga Municipal Links ang nag-udyok sa kanyang piliin ang kursong Social Work.
Ngayon, bilang isang ganap nang Registered Social Worker, nais ni Marinella na gampanan ang kanyang tungkulin at maglingkod sa kapwa benepisyaryo ng 4Ps.
Ang kanyang tagumpay ay patunay na ang pangarap ay kayang abutin, at ang pagmamahal sa bayan ay nagsisimula sa pagtulong sa kapwa. ##