“Sapat nang motibasyon ang kahirapan para magpatuloy.”
Iyan ang sambit ni Kelson L. Ferrer, isang dating Monitored Child ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Palayan City, Nueva Ecija, na matagumpay na pumasa sa nagdaang 2025 Social Workers Licensure Examination (SWLE). Si Kelson ay isa ring Cum Laude noong nagtapos siya ng kursong Bachelor of Science in Social Work.
Dagdag pa ni Kelson, “Malaking tulong din ang 4Ps sa akin, dahil naging daan ito sa aking tagumpay ngayon bilang isang Registered Social Worker. Ito ay sumasalim na mayroong pag-asa sa bawat serbisyong ipagkakaloob sa bawat pamilyang nararapat na bigyang pansin ng mayroong patas at pantay na pagkalinga sa bawat mamamayan na dapat mabigyan ng tulong.”
“Para sa mga kapwa kong minsan ding nangarap, huwag kayong matakot na harapin ang pagsubok, dahil walang tamis ang tagumpay, kung walang pait na pinagdaanan. Ituloy lang ang pangarap, maging mapagpakumbaba, at magsikap nang buong puso.”
“Maraming salamat po! Mabuhay tayong lahat!”
Si Kelson ay isa sa mga patunay nang patuloy na tagumpay ng programa sa mga benepisyaryo nito. Ang DSWD Field Office 3 – Central Luzon ay lubos na nagagalak sa karangalang iyong natamo. Mabuhay ka, Kelson! ##