Tarlac City – Setyembre 16, 2025
Matagumpay na naisagawa ang Barangay Consultation, Caravan of Services cum Massive Updating sa Sitio Bagong Barrio Covered Court, Sapang Maragul, Tarlac City.
Kasama sa mga katuwang at kabalikat ng programa ang iba’t ibang kinatawan mula sa Philippine National Police (PNP), Public Employment Service Office (PESO), Commission on Population and Development (CPD), City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Palawan Group of Companies, Department of Health (DOH)/ Rural Health Unit (RHU) 8, at ang mga Konseho ng Barangay ng Sapang Maragul, Care, Carangian, Tibag at Tibagan. Sama-samang kumilos ang bawat isa upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Dahil dito, 96 na benepisyaryo ang nakapagrehistro sa Palawan Protektodo Insurance ng Palawan Group of Companies. 145 naman ang nailapit sa PESO para sa mga lokal at internasyonal na oportunidad na trabaho.
93 benepisyaryo naman ang sumailalim sa HIV testing mula sa Family Planning Organization of the Philippines. 136 naman ang nakatanggap ng serbisyo na mula sa CPD, habang may 88 na benepisyaryo naman ang nabigyan ng libreng x-ray at sputum test mula sa DOH/RHU.
Sa kabuuan, 964 na benepisyaryo ang nakinabang sa iba’t ibang programa at serbisyo ng mga partners agency.
Bukod dito, ang mga dumalong benepisyaryo ay sumailalim din sa Massive Updating, NAS Validation, at GRS upang maisaayos at maitama ang kanilang mga datos.
Ang DSWD Field Office 3 – Central Luzon 4Ps SWAD Tarlac at CAT Tarlac City ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga partner agencies sa kanilang walang sawang suporta para sa kapakanan ng mga benepisyaryo. ##