Sa pakikilahok ng Central Luzon State University (CLSU) Food Processing R&D Facility sa ilalim ng College of Home Science and Industry at Lokal na Pamahalaan ng General Tinio, naisagawa ang isang pagsasanay sa Sweet Potato Chips and Powder Processing at Bignay Wine Making para sa 15 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program mula sa Brgy. Palale, General Tinio, Nueva Ecija.
Ang naturang barangay ay isa sa mga Unserved and Underserved Areas o UUAs (o dating kilala bilang Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o GIDA) sa probinsya o mga malalayong lugar na hindi pangkaraniwang naabot ng mga serbisyo.
Ang aktibidad na ito ay bilang pagpapatuloy sa nagdaang koordinasyon ng Department of Science and Technology (DOST) Nueva Ecija at DSWD Field Office 3 – Central Luzon, SWAD Nueva Ecija sa ilalim ng Grassroots Innovations for Inclusive Development (GRIND) project na layong pag-ibayuhin ang kasanayan at kakayanan ng mga indibidwal mula sa mga UUAs at rural areas. Layon ng aktibidad na ito na maging handa ang mga kalakok upang makapag-umpisa sila ng sariling samahang pangkabuhayan sa kanilang komunidad.
Inaasahang magkakaroon pa ng mga susunod na aktibidad sa ilalim ng kooperasyon ng DOST at DSWD na may kinalaman sa product innovation and development at gayun din sa resource augmentation upang masiguro na matamo ang layunin ng proyekto sa mga kalahok na benepisyaryo. ##