Program Launching At Municipal Orientation ng DSWD KALAHI-CIDSS KKB sa Laur, Nueva Ecija.

Sa pangalawang pagkakataon ay idinaos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay (KALAHI-CIDSS KKB) ang Program Launching at Municipal Orientation sa Munisipalidad ng Laur, Nueva Ecija.

Ang Program Launching and Municipal Orientation ay ginaganap para sa mas lalong pagpapaliwanag at pagbibigay n dagdag na kaalamang sa proseso ng programa. Kasama nadin dito ang
Memorandum of Agreement (MOA) Signing, at pagbibigay ng suporta sa stratehiya ng KALAHI-CIDSS na CDD.

Sa ngalan ni DSWD Regional Director Venus F. Rebuldela dinaluhan ito ng OIC – Division Chief Susan S. Hernandez, Regional Program Coordinator ng KALAHI-CIDSS, Aladin L. Naje, katuwang ang mga opisyal ng Munisipalidad ng Laur na pinangunahan ni Municipal Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus, at  mga kawani ng Local Government Unit, at mga kinatawan mula sa 17 na barangay.

Kasunod ng programa ay magkakaroon ng barangay meeting para masimulan ang paghalal/pagpili ng mga community volunteers na tuturuan at ie-empower upang makatulong sa pagpapatupad ng programa.

Ang KALAHI-CIDSS KKB ay gumagamit ng stratehiya na Community Driven Development (CDD) na naglalayon na bigyang pagkakataon ang mga komunidad na magdesisyon, magplano, at magbigay priyoridad ng mga problema sa barangay na patunay sa pagkakaroon ng pagbabago at kaunlaran sa kanilang mga komunidad

####