Cuyapo, Nueva Ecija tatanggap ng mahigit 13M mula sa DSWD Region 3

Cuyapo, Nueva Ecija – Pormal nang inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitna ng Kapit Bisig Laban Sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS), at ng Department of Health (DOH) ang Philippine Multi-sectoral Nutrition Program (PMNP) ngayong araw, June 6, 2023.

Nilagdaan ng DSWD Region 3, DOH at lokal na pamahalaan ng Cuyapo ang Memorandum of Agreement kasabay ang pagbibigay ng kaalaman tungkol sa PMNP.

Mahigit P13,515,000.00 ang grant allocation na ibibgay ng DSWD KALAHI-CIDSS PMNP habang P2,027,250.00 naman ang local counterpart contribution (cash o in kind) ng Lokal na pamahalaan.

Ang munisipyo ng Cuyapo, Nueva Ecija ang nag-iisang munisipyo sa Gitnang Luzon na napiling magimplementa ng KALAHI PMNP.

Dinaluhan ito ni DOH Regional Director Corazon I. Flores, MD, MPH, CESO IV, Cuyapo Municipal Mayor Hon. Florida P. Esteban, National Nutrition Council Regional Program Coordinator Ana Marie Rosaldo, at DSWD Promotive Services Division Division Chief  Vilma. R. Serrano, RSW. 

Nagpahayag naman ng suporta sa programa si Ms. Rosaldo, “Makakaasa po kayo na ang National Nutrition Council Region III ay magiging katuwang po ng DSWD, DOH, at ng Cuyapo na naisakatuparan ang lahat ng mga plano na nakapaloob sa PMNP Regional Work Plan.”

Nilalayon ng programang ang sama – samang pagtutulungan ng bawat isa upang maitaas ang antas ng nutrition at kalusugan ng mga kabataan, pamilya at komunidad sa Pilipinas sa pamamagitan ng pag-implementa ng mga nutrition sensitive na mga programa at proyekto, pagkakaroon ng malinis na kapaligiran  at pagapapalakas ng edukasyon sa nutrition at pagpapalawak ng access sa mga serbisyo sa pangangalagang nagkulusugan.

Nakatakdang simulan ang pagbuo ng Barangay Nutrition Council kada barangay ngayong buwan ng Hulyo upang maging katuwang sa pagiimplementa sa programa sa barangay. ###