Bilang pangunahing ahensya na nangangasiwa sa implementasyon ng Risk Resiliency Program sa ilalim ng Climate Change Adaptation and Mitigation (RRP-CCAM) dinaluhan ng DSWD Region 3 ang orientation at paghahanda para sa 2023 implementation ng RRP-CCAM  sa pamamagitan ng Cash-for-Work sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Devleopment Office (PSWDO) ng Bulacan. Dumalo sa pagpupulong ang Technical Working Group ng probinsya; kasama rito ang kanilang lokal na pamahalaan, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Nutrition Action Office (MNAO), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), at Municipal Agriculture Office (MAO). 

Layunin ng aktibidad na ito ang magbigay ng gabay sa pagpapatupad ng programa; talakayin ang project work plan; at magbigay ng technical assistance sa lahat ng Technical Working Groups ng lalawigan at mga lokal na pamahalaan. 

Kasama naman sa mga naaprubahan na proyekto ay ang Sustainable Zero Waste Livelihood Program at Mangrove Planting for the Solo Parents in coastal areas and riverside of the Province of Bulacan. Tinatayang nasa 31,554,600 pesos ang ilalaan na budget para sa mga nasabing proyekto. ###

image_pdfimage_print