Pormal ng naturn-over ni Sustainable Livelihood Program Bataan Provincial Coordinator Ricky F. Gacayan kasama ang mga kinatawan ang kita ng mga kalahok na benepisyaro, tinanggap ni Flora Jonson ang 16,235.00 at ni Rose Ann David ang 2,190.00.

Ayon kay Flora, “Taos puso ang aking pasasalamat sa mga tumangkilik ng aking mga produkto at opportunidad na mai-market at makilala ang aking produkto.” Ayon sa mga kina Flora at Rose ay naging magandang pagkakaton din ang isinagawang aktibidad upang mas mapagbuti ang kanilang produkto batay sa mga komento at mungkahi ng mga mamimili.

Layunin ng isinagawang Entrepreneurial Activity na mabigyan ng pagkakataonang mga benepisyaryo ng SLP na mapakilala ang kanilang produkto at maipakita ang kanilang kasanayan sa napiling kabuhayan. ###

 

image_pdfimage_print