1

Mga Indigent Senior Citizens sa Dinalupihan, Bataan, Nakatanggap na ng kanilang Social Pension

Pinasimulan na ang pamamahagi ng Social Pension para sa mga Senior Citizens ng Dinalupihan, Bataan na piangunahan ni DSWD Secretary Rolando Bautitsta katuwang ang lokal na pamahalaan. Tinatayang nasa 726 na mga benepisyaryo ang makakatanggap ng halagang Php 2,178,000 ngayong araw, ito ay parte ng kanilang stipend para sa ikalawang semestre ng taon. 

Ang Social Pension for Indigent Senior Citizens ay sangayon sa Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010 na nagsasaad na ang mga indigent o mahihirap na senior citizen ay makakatanggap ng buwanang pension na nagkakahalaga sa Php 500 na ipinapatupad ng DSWD katuwang ang Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) at Local Municipal Social Welfare and Development Offices (LSWDOs). 

 

###