1

300 na Benepisyaryo Mula sa Bataan Nakatanggap ng Cash-for-Work Program

Binisita ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa Orion, Bataan upang pangunahan ang pamamahagi Php 900,000.00 sa 300 na benepisyaryo sa ilalim ng  Risk and Resiliency Program for Climate Change Adaptation and Mitigation – Disaster Risk Reduction (RRP CCAM-DRR). 

Parte ito ng 6th wave ng RRP CCAM-DRR sa pamamagitan ng Cash-for-Work Program sa Gitnang Luzon. Layunin ng programa na mabigyan ng ayudang pinansyal  ang mga pamilyang naapektuhan ng pandemya sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa mga proyekto na may kaugnayan sa pagtugon sa climate change at pagpigil sa mga posibleng problema na kakabit nito. 

 

Ang mga proyekto na nagawa sa ilalim ng RRP CCAM-DRR na nagsimula noong ika-21 Setyembre 21 hanggang ika-2 ng Oktubre 2020 ay ang Mangrove Reforestration, Establishment of Nursery, at  Tree Growing. 

Ito ang nakitang mabisang solusyon ng paglaban sa climate change sa naturang lugar dahil ang mga ito ay nasa coastal area. Ang pagtatanim ng mangrove at mga puno sa lugar ay maaring maprotektahan ang mga baybayin mula sa maaring pagkasira na dulot ng bagyo, tsunami, mga alon, erosion, at pagbaha.