Categorized | Uncategorized

Walang FDS? May Facebook!

Guagua, Pampanga – Sa panahon ngayon, masusubok ang pagiging malikhain at maparaan. Limitado ang bawat supply, mula sa mga gamit sa bahay hanggang sa mga masusustansyang pagkain gaya ng prutas at gulay. 

Pero hindi ito naging hadlang sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), marami ang nagpatunay sa kanila na sila ay handa sa panahon ng sakuna sa pamamagitan ng mga natutunan nila sa buwanang Family Development Session (FDS). 

Ang FDS ay isa sa mga kondisyon ng 4Ps na kailangan daluhan ng mga benepisyaryo isang beses sa isang buwan bago makuha ang ayuda mula sa programa. Pangunahing layunin ng mga session na madagdagan ang kaalaman ng mga benepisyaryo tungkol sa kanilang responsibilidad bilang magulang lalo na ang tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga anak at ng buong pamilya. 

Napatunayan ng mga session na nakakatulong ito upang mas dumami ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagpapaunlad ng kanilang kalusugan, nutrisyon, mapaigting ang relasyon sa pagitan nilang mag-asawa at kanilang mga anak, mapanatili ang magandang at positibong kaugalian at asal ng mga Pilipino, maging laging handa tuwing may sakuna, hikayatin na manguna, makilahok at kusang loob sa gawaing pang komunidad at higit sa lahat patatagin ang paniniwala sa May Likha.

Ayon sa FDS Focal na si Ronsan M. Pelariza, ang mga mahahalagang natutunan ng mga benepisyaryo ay, “[Ang] Pagpapanatili ng kalinisan sa sarili at sa bahay, tamang pag iimpok. Kasi nakita nila na since meron silang naipon, kahit papaano may nagagamit sila, sama sama ang pamilya at napapatibay ito. Nagkaroon din sila ng malasakit sa kapwa. Dahil sa kanilang natanggap at nakita nilang mayroon din nangangailangan na tulad nila, kusang loob silang nagbibigay.”

Isa ng halimbawa ang inisyatiba ng mga benepisyaryo ng 4Ps mula sa Pandi, Bulacan ay ang iShare, ayon sa isang parent leader na si Zita Aguilar ay nakalikom at nakapamahagi sila ng 790 food packs na siya namang n laan nila para sa mga persons with disability at solo parents sa kanilang lugar. 

Samantalang, si Crispin I. Santos Jr. na mula naman sa San Rafael, Bulacan, naman ay nagpatotoo kung paano nakatulong sakanila ang ang kanilang e-balde at backyard garden, sa panahon ng ECQ. Aniya, “Isang malaking tulong sa amin ng 4Ps ay ang pagkakaroon ng e-balde at pagtatanim ng gulay sa bakuran. Sa panahon kasi ngayon ‘di ka pwedeng maglalabas ng bahay, hindi ka makakapasok sa trabaho, in short, walang kita o sweldo. Kung meron kang e-balde at tanim sa bakuran, hindi ka masyadong maomroblema kung ano ang ipapakain mo sa iyong pamilya.”

“Nag iba din ang pananaw nila [ng mga benepisyaryo] sa pakikibahagi sa community. Naiintindihan nila ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas at alituntunin lalo ang pag stay sa bahay.” dagdag pa ni Ronsan sa kung ano ba ang naging epekto ng buwanang pagdalo ng FDS ng mga benepisyaryo. 

Bilang tugon naman sa new normal habang nasa ilalim ang Region III sa ECQ, sinamantala ni Ronsan ang availability ng social media dahil karamihan na din naman ng mga benepisyaryo ay may akses dito. Ilan lamang sa mga paksa na natalakay sa kanyang e-FDS ay ang kahalagahan ng pagpapasuso ng mga ina sa mga sanggol, lusog isip sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19, pagpapalago ng vegetable gardens o pagtatanim sa bakuran, atbp. 

###

This post was written by:

- who has written 165 posts on DSWD Field Office III Official Website.

He is the Regional Information Officer of DSWD Field Office III, has earned two bachelor degrees, topped the 2017 Social Work Licensure Examination, and currently pursuing a master degree in Social Work.

Contact the author

Comments are closed.

Transparency Seal

citizenzcharter

eaics_logo

philgeps

Tweets by ‎@dswdfo3


Related Sites

PHVsPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1YS5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8yPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yi5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yy5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1ZC5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9tcHVfYWRzZW5zZTwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9kaXNhYmxlPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbS9hZHMvMzAweDI1MGEuanBnPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfbXB1X3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9hZHNlbnNlPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX2Rpc2FibGU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHBzOi8vZm8zLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvdXBsb2Fkcy8yMDE3LzAzL2Jhbm5lcl9mbzMucG5nPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzI8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF91cmxfMzwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRzX3JvdGF0ZTwvc3Ryb25nPiAtIHRydWU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hbHRfc3R5bGVzaGVldDwvc3Ryb25nPiAtIGRlZmF1bHQuY3NzPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYXV0aG9yPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hdXRvX2ltZzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fY3VzdG9tX2Nzczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2N1c3RvbV9mYXZpY29uPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVhdF9lbnRyaWVzPC9zdHJvbmc+IC0gU2VsZWN0IGEgbnVtYmVyOjwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlYXR1cmVkX2NhdGVnb3J5PC9zdHJvbmc+IC0gU2VsZWN0IGEgY2F0ZWdvcnk6PC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVlZGJ1cm5lcl9pZDwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlZWRidXJuZXJfdXJsPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZ29vZ2xlX2FuYWx5dGljczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWVfdGh1bWJfaGVpZ2h0PC9zdHJvbmc+IC0gNTc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19ob21lX3RodW1iX3dpZHRoPC9zdHJvbmc+IC0gMTAwPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29faW1hZ2Vfc2luZ2xlPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19sb2dvPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cHM6Ly9mbzMuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC91cGxvYWRzLzIwMTcvMDMvcnN6X2ZpbmFsX2xvZ29fZHN3ZC5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19tYW51YWw8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vc3VwcG9ydC90aGVtZS1kb2N1bWVudGF0aW9uL2dhemV0dGUtZWRpdGlvbi88L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19yZXNpemU8L3N0cm9uZz4gLSB0cnVlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvcnRuYW1lPC9zdHJvbmc+IC0gd29vPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd19jYXJvdXNlbDwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd192aWRlbzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2luZ2xlX2hlaWdodDwvc3Ryb25nPiAtIDE4MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3NpbmdsZV93aWR0aDwvc3Ryb25nPiAtIDI1MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RhYnM8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RoZW1lbmFtZTwvc3Ryb25nPiAtIEdhemV0dGU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb192aWRlb19jYXRlZ29yeTwvc3Ryb25nPiAtIFNlbGVjdCBhIGNhdGVnb3J5OjwvbGk+PC91bD4=