Guagua, Pampanga (As of April 16, 7PM) — Zambales ang ika-anim na probinsya na nakatanggap ng pinansyal na ayuda mula sa Emergency Subsidy Program (ESP). 166 na pamilya ang paunang nabigyan ng ₱1,079,000 mula sa siyudad ng Olongapo.

Samantalang patuloy ang pamamahagi ng ESP sa mga probinsya ng Aurora, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac. 65 na pamilya ay nabahagian ng halagang ₱422,500.00 sa bayan ng Baler. 

Samantalang sa Bulacan ay may 26,837 na mahihirap na pamilya ang napamahagian mula sa Pandi (7,202), Paombong (461), Baliuag (8,082), Doña Remedios Trinidad (141), Malolos (2,048), San Miguel (2,611), San Rafael (2,422), San Jose del Monte (2,409), Angat (312), Bustos (366), Guiguinto (566) at Balagtas (217). Ang kabuuang halaga na napamahagi sa Bulacan ay ₱174,440,500.00. 

₱82,712,500 para sa 12,725 na pamilya mula sa Nueva Ecija. Licab (523), Zaragoza (2,030), Talavera (3,102), San Jose (774), General Natividad (3,715), Talugtug (1,263), Peñaranda (164), Jaen (776), at Cuyapo (378). 

Sa probinsya ng Pampanga, 2,821 na mga pamilya na ang nakatanggap ng kabuuang halaga na  ₱18,336,500.00. Ang pamamahagi ay naganap sa City of San Fernando (1,762), Candaba (96), Sta Rita (335), at Guagua (628).

Ang Tarlac ay may dalawang paunang bayan na napamahagian ng ESP kung saan 1,144 na pamilya ang nakatanggap ng halagang ₱7,436,000.00. Ito ay naganap sa Ramos (252) at Moncada (892). 

Inaasahang makukumpleto ang pamamamahagi ng ESP sa 1.8 milyong mahihirap na pamilya sa ika-30 ng Abril. 

###

image_pdfimage_print