Guagua, Pampanga (As of April 20, 7PM) – Patuloy pa rin sa lahat ng probinsya ng Region III ang pamamahagi ng Emergency Subsidy Program (ESP).  Tinatayang nasa 151,597 na mahihirap na pamilya na ang nakatanggap ng pinansyal na ayuda na nagkakahalaga ng ₱985,380,500. 

Sa Aurora, tatlong bayan na ang napamahagian ng pinansyal na ayuda para sa 447 na mahihirap na pamilya mula sa Dilasag (78), Baler (260), at Ma. Aurora (109) na may kabuuang halaga na ₱2,905,500.  

Ang 639 na pamilya mula sa Bataan sa mga bayan ng Pilar (371) at Hermosa (268) ay nakatanggap na ng ₱4,153,500.00. 

Ang Nueva Ecija ay ang may pinaka maraming pamilya na may bilang na 61,001 na napamahagian ng ESP. Sila ay mula sa mga bayan/siyudad ng Licab (966), Zaragoza (4,369), Talavera (6,032), San Antonio (2,458), Pantabangan (1,195), Carrangian (1,025), Muñoz (4,458), San Jose (8,626), Gen. Natividad (7,388), Talugtug (2,584), Lupao (4,097), Quezon (1,178), Nampicuan (129), Peñaranda (888), Jaen (5,165), Gen. Tinio (1,171), San Leonardo (6,515), at Cuyapo (2,594). Ang kabuuang halaga na natanggap ng mga pamilya ay nasa ₱396,506,500. 

Sinundan ito ng  Bulacan, kung saan 59,398 na mahihirap na pamilya ang nakatanggap ng pinansyal na ayuda mula sa 19 na siyudad/munisipyo na nakatanggap na ng  ₱ 386,087,000. Ito ay naganap sa Pandi (7,202), Paombong (1,222), Baliuag (11,574), Doña Remedios Trinidad (490), Malolos (3,763), San Miguel (7.869), San Rafael (3,979), San Jose Del Monte (5,838), Angat (2,140), Bustos (1,512), Bulakan (2,174), San Ildefonso (370), Guiguinto (885), Plaridel (2,859), Sta. Maria (2,540), Pulilan (2,041), Balagtas (1,766), Calumpit (563), at Norzagaray (611). 

Mula naman sa Pampanga ang 24,736 na mahihirap na pamilya ang nakatanggap ng pinansyal na ayuda na nagkakahalaga sa ₱160,784,000. Ang mga siyudad/munisipyo na nagsimula na ng pamamahagi ay ang City of San Fernando (4,320), Candaba (2,396), Lubao (2,462), Mabalacat (970), Bacolor (324), Mexico (1,369), Floridablanca (412), San Simon (854), Minalin (4,269), San Luis (1,190), Arayat (2,055), at Guagua (4,115). 

Sa Tarlac, 4,262 na mahihirap na pamilya na ang nakatanggap ng ₱ 27,703,000 mula sa mga bayan ng Ramos (252), Pura (503), Capas (526), Moncada (1,891), at San Manuel (568), at Concepcion (522). 

Patuloy pa rin ang pamimigay ng pinansyal na ayuda para sa mahihirap na pamilya sa Zambales mula sa siyudad ng Olongapo, kung saan 1,114 na pamilya na ang nakatanggap ng ₱7,241,000. 

Sinusuportahan ng DSWD ang pagpapaskil ng listahan ng mga makakatanggap ng ESP bilang pagkpapakita ng transparency alinsunod sa Good Governance Condition. 

###

image_pdfimage_print