Guagua, Pampanga (As of April 22, 7PM) – Patuloy pa rin sa lahat ng probinsya ng Region III ang pamamahagi ng Emergency Subsidy Program (ESP).  Tinatayang nasa 259,969 na mahihirap na pamilya na ang nakatanggap ng pinansyal na ayuda na nagkakahalaga ng ₱1,689,798,500. 

Sa Aurora, 5,126 na mahihirap na pamilya na ang nakatanggap ng pinansyal na ayuda na nagkakahalaga ng ₱33,319,000.  Sila aymula sa mga bayan ng Dingalan, Dilasag, San Luis, Baler, Ma. Aurora, Casiguran, at Dinalungan. 

Ang 837 na pamilya mula sa Bataan sa mga bayan ng Pilar at Hermosa ay nakatanggap na ng ₱5,440,500. 

Ang Nueva Ecija pa rin ang may pinaka maraming pamilya na may bilang na   104,110 na napamahagian ng ESP. Sila ay mula sa mga bayan/siyudad ng Licab, Zaragoza, Talavera, San Antonio, Pantabangan, Carranglan, Muñoz, San Jose

Cabanatuan, General Natividad, Talugtug, Lupao, Quezon, Llanera, Nampicuan, Peñaranda, Jaen, Rizal, Guimba, General Tinio, San Leonardo, Cuyapo, Cabiao, San Isidro, at Santa Rosa. Ang kabuuang halaga na natanggap ng mga pamilya ay nasa ₱676,715,000. 

Sinundan ito ng  Bulacan, kung saan 99,963 na mahihirap na pamilya ang nakatanggap ng pinansyal na ayuda mula sa 19 na siyudad/munisipyo na nakatanggap na ng  ₱649,759,500. Ito ay naganap sa Pandi, Paombong, Baliuag, Doña Remedios Trinidad, Malolos, San Miguel, San Rafael, San Jose del Monte, Angat, Bustos, Bulakan, San Ildefonso, Guiguinto, Meycauayan, Plaridel, Bocaue, Sta Maria, Pulilan, Balagtas, Calumpit, at Norzagaray. 

Mula naman sa Pampanga ang 41,678 na mahihirap na pamilya ang nakatanggap ng pinansyal na ayuda na nagkakahalaga sa ₱270,907,000. Ang mga siyudad/munisipyo na nagsimula na ng pamamahagi ay ang City of San Fernando, Candaba, Lubao, Mabalacat, Sta. Rita, Bacolor, Mexico, Floridablanca, San Simon, Macabebe, Apalit, Porac, Minalin, Sta. Ana, San Luis, Arayat, Masantol, Guagua, at Magalang. 

Sa Tarlac, 5,367 na mahihirap na pamilya na ang nakatanggap ng ₱56,640,500 mula sa mga bayan ng Ramos, Pura, Mayantoc, Capas, Moncada, San Manuel, at Concepcion. 

Patuloy pa rin ang pamimigay ng pinansyal na ayuda para sa mahihirap na pamilya sa Zambales, kung saan 2,618 na pamilya na ang nakatanggap ng ₱17,017,000 mula sa siyudad/bayan ng Masinloc at Olongapo. 

Sinusuportahan ng DSWD ang pagpapaskil ng listahan ng mga makakatanggap ng ESP bilang pagkpapakita ng transparency alinsunod sa Good Governance Condition. 

###

image_pdfimage_print