187 pamilya mula Barangay Antipona, Bocaue, Bulacan ang nasunugan noong ika-11 ng Pebrero 2020. Ganap na alas-10 ng umaga nang mangyari ang sunog. 

Nagyong ika-19 ng parehong buwan, namahagi ang DSWD Region III ng 5,000 pesos kada apektadong pamilya bilang tugon at ayuda sa krisis na kanilang kinakaharap.

Karamihan sa kanila ay benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Kasamang natupok ng apoy ang kanilang mga dokumento, ID at Cash Cards. Ang kanilang card replacement ay pinoproseso na upang makuha nilang agad ang cash grants mula sa programa. 

Ayon kay Dir. Marites M. Maristela, CESO III, Regional Director ng DSWD Region III, mahalaga ang pakikipagtulungan ng mga naapektuhan sa kanilang pagbangon, “hindi sapat na kami ay nagbibigay ng tulong, mahalaga na tulungan rin ninyo ang inyong sarili at makiisa sa aming mga programa.”

Nakaantabay naman sa haba ng pananatili ng mga survivors sa evacuation center ang Pamahalaang Bayan ng Bocaue kung saan binibigyan nila ang mga pamilya ng pagkain, tubig, damit, at maayos na tulugan.

Ang National Housing Authory ay magsasagawa ng asessent sa bawat pamilya upang mabigyan sila ng kaukulang serbisyo mula sa ahensya. Ang Department of Trade and Industry, PAGCOR, PCSO, at PCUP at ilan lamang sa iba pang ahensya ng gobyerno na magbibigay ng tulog.

Story by Reiner L. Grospe

image_pdfimage_print