AURORA, Philippines – Ipinagdiwang ang National Children’s Month Celebration sa lalawigan ng Aurora noong ika-5 ng November sa Aurora. Ibinida sa aktibidad ang mga huwarang pamilya, parent leaders at komunidad ng mga specialized programs ng Department of Social Welfare and Development. 

Ang nagkamit ng provincial title bilang Huwarang Pantawid Pamilya ay ang Padillo Family mula sa bayan ng Baler; 1st placer ang Notario Family mula sa bayan ng San Luis; at 2nd placer naman ang Villa Family mula sa bayan ng Dipaculao.

Ang nagwagi bilang regional Best Parent Leader ay si Gng. Aida Origines mula sa bayan ng Dipaculao; 1st placer ay si Gng. Maricris De Fiesta ng Casiguran Aurora; at 2nd placer naman si Jessica Maizo mula sa bayan ng Dilasag.

Ang nagkamit naman ng titulo bilang Provincial Pantawid Greenest Communal Garden ay ang bayan ng Baler. Sinundan ito ng bayan ng Dilasag bilang 1st placer at ang naman ang Dipaculao ang 2nd placer.

Mula naman sa Provincial Search for LGU Good Practice, pinarangalan ang “Agroforestry Program” ng San Luis Aurora bilang pinakamahusay na initiative. Sinundan ito ng “Pag-asa Youth Association: Palit Plastic Bottles Store” ng bayan ng Dinalungan bilang 1st placer; at ang “HELP IP Literacy Program” naman mula sa bayan ng Casiguran and 2nd placer.

Ang Provincial Search activities ng Pantawid Program sa Aurora ay binigyan ng pondo ng lokal na pamahalaan sa tulong ng Provincial Social Welfare and Development Office, upang bigyang halaga ang mga natatanging Pantawid beneficiaries.

Kaisa ang lokal na pamahalaan sa implementasyon ng Pantawid Pamilya sa Aurora at katuwang ang iba pang mga partner agencies sa lalawigan.

Story by Zaida Lim Morfe
 ###

image_pdfimage_print