Taon-taon, tuwing Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12, ay ipinagdiriwang ang 18-day Campaign to End Violence Against Women (VAW) na may temang “VAW-Free Comunity Starts with Me.” 

Ngayong araw ay pinasinayaan ang nasabing campaign na pinangunahan ng National Economic Development Authority (NEDA).  Layunin ng aktibidad na ito na imulat ang publiko kung ano ang VAW at paano maiiwasan ito. 

Nagkaroon ng lantern parade sa loob ng Diosdado Macapagal Government Center ang mga kawani mula sa iba’t-ibang ahensya. Ang mga latern o parol ay may disenyo na dapat naka-akma sa tema ng 18-day campaign. 

Ang lantern entry ng DSWD ay nagsisimbolo ng mga programa at serbisyo nitong tumutulong sa mga kababaihan. Ang lantern ay gawa mula sa indigenous materials mula sa iba’t-ibang probinsya ng Gitnang Luzon. Itinanghal ang DSWD bilang kampyon sa lantern category. 

Nagpakita rin ng talento ang mga kalahok sa pamamagitan ng pagsasayaw. Habang sa kategorya ng pagsayaw naman ay nasa pang-apat na puwesto ang DSWD.

 ###

image_pdfimage_print