Nagsimula si Ariel Duque, bilang boluntir sa itinatag niyang isang volunteer group sa  barangay San Alejandro, Quezon, Nueva Ecija. Ang unang naging layunin ng kanilang grupo ay makapagbigay ng tulong sa mga ka-barangay nilang namatayan ng kaanak. Hanggang sa lumago na ito at dumami ang miyembro.

Ilan sa mga naging ambag ng kanyang grupo ay ang pagpapatayo ng solar powered street lights mula sa pondong kanilang naipon sa pangangaroling at paglapit sa mga tao. Nakikiisa rin sila sa mga aktibidad sa barangay tulad ng, medical mission, brigade Eskwela at barangay assembly.

Nang dumating ang programang Kapit-Bisig Laban Sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services National Community-Driven Development Program (Kalahi-CIDSS NCDDP) ilan sa mga miyembro ng grupo ay naging aktibong boluntir kabiling dito si Gg Duque.

Dumalo sila sa mga patawag ng programa, assembly at mga trainings upang matuto kung paano gumawa ng proposal at malaman kung paano matukoy ang suliranin sa kanilang komunidad na kailangan ng agarang solusyon. Dalawang beses silang nabigo o hindi napondohan ang proyektong tutugon sa kanilang natukoy na problema. Pero nagpatuloy pa rin sila sa pakikiisa sa programa. Hanggang noong ikatlong cycle ay isa na sila sa mga barangay na nabigyan ng pondo. Isa si Gg Duque sa nanguna sa pagpapatupad ng kanilang proyekto.

Matapos ang ilang taon na pagiging boluntir at pagdalo sa mga trainings ng programa ay tumakbo siya bilang kagawad noong nakaraang Barangay Eleksyon. Hindi naman siya nabigo dahil isa siya sa mga nanalong kagawad sa kanilang barangay,“kaya ako tumakbo bilang kagawad ay upang mas mapalakas ko pa ang mga naituro sa akin. Kasi kung hindi ako magpapatuloy ay hindi ko magagamit ‘yung mga natutunan ko sa Kalahi. Sayang kung hindi ko maipalawak yung aking mga natutunan.” Aniya

Dagdag pa niya, “Nagpapasalamat din ako sa mg aka-barangay na naniwala at dinala talaga ako noong nakaraang eleksyon.”

Samantala, umaasa naman siya na sana ay yakapin at tanggapin ng mga namumuno ang proseso ng Kalahi o ang (community-driven development) dahil aniya, “ang CDD ay ang susi para magkaunawaan ang Barangay Local Government Unit (BLGU) at ang mga mamamayan. Kaya naman sana ito gamiting proseso sa pamamalakad ng lokal na pamahalaan.

Sa ngayon ay mag-iisang taon pa lamang siyang barangay kagawad at isa sa kanilang itinuturing na ambag sa kanilang komunidad ay ang pagkakaroon ng feeding program. Siya rin ang itinalaga ng kanilang kapitan na manguna sa sektor ng agrikultura at senior citizen sa kanilang barangay. Kung saan plano niyang gamitin ang CDD.

#

image_pdfimage_print