Sa kasalukuyan ay mayroon 110,860 Social pensioners sa buong Central Luzon.

Ang isang benepisyaryo ay makakatanggap ng ₱500.00 kada buwan. Ayon sa Memorandum Circular 04 Series of 2019, ito ay ibabahagi minsan sa anim (6) na buwan na may kabuuang halaga na ₱3,000.00 mula Enero hanggang Hunyo, at Hulyo hanggang Disyembre).

Nakapaloob sa Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010 na ang mga indigent senior citizens, edad 60 at pataas, ay makakatanggap ng Social pension na nagkakahalaga ng ₱500 kada buwan.

Ito at para makatulong sa pang araw-araw nilang gastusin at pangangailangang medikal.

Ito ay ipinapatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang ang Office of Senior Citizens Affairs (OSCA), Local Social Welfare and Development Offices (LSWDO) at mga Senior Citizens Organizations.

Sino ang maaaring makatanggap ng Social Pension?

Mga mahihirap o indigent senior citizens, 60 taon gulang at pataas na:

  1. Mahina, may karamdaman o may kapansanan;
  2. Walang permanenteng pinagkukunan ng kabuhayan, kompensasyon o pinansyal na tulong mula sa mga kamag-anak para suportahan ang mga batayang pangangailangan ng nakatatanda;
  3. Walang natatanggap na pensyon mula sa SSS, GSIS, o iba pang uri ng pensyon na maaaring magmula sa gobyerno o pribadong ahensya ng pensyon.

Ano ang mga dokumentong kailangan isumete?

Kopya o photocopy ng alinman sa mga sumusunod na dokumento:

  1. I.D. na may larawan ng nakatatanda
  2. Birth certificate (katibayan ng Kapanakan) o iba pang dokumento na makakapagpatunay ng edad ng nakatatanda.

Paano maging benepisyaryo ng programa?

  1. Ang senior citizen o kamag-anak ng Senior Citizen ay maaring magdala ng kopya o photocopy ng Birth Certificate ng senior citizen at OSCA I.D. o anumang valid I.D. sa Barangay Senior Citizens Association o pinaka malapit na opisina OSCA.
  2. Ang Brgy. President o OSCA head ay aagapay sa aplikante sa pagsagot ng application form. Ang OSCA head ay isusumite ang listahan ng mga potential beneficiaries sa LSWDO.
  3. Ang LSWDO  ay magsasagawa ng pagtatasa kung ang nasabing senior citizens ay kwalipikado na mapasama sa Social Pension Program.
  4. Ang LSWDO ang siyang magsusumite sa DSWD Regional Office sa Listahan ng mga potential beneficiaries.
  5. Ang regional social pension staff ay magsasagawa ng pinal na pagtatasa sa mga nasa listahan ng potential beneficiaries.
  6. Base sa pagtatasa na isinagawa ang, listahan ng mga kwalipikadong Senior Citizens ay isusumite sa DSWD Regional Director para sa kanyang approval.
  7. Ang listahan ng kwalipikadong senior citizen ay ipapaabot sa kaalaman ng punong bayan/lungsod.
  8. Ang OSCA head ay aabisuhan ang napiling kwalipikadong Senior Citizen sa pamamagitan ng sulat na nagsasad na sila ay kasama na sa listahan ng social pensioners.

Paano matatanngap ang pension?

  1. Door-to-door delivery – ang nanalong service provider ay ihahatid ang pensyon sa mga tirahan ng bawat benepisyaryo.
  2. Cash pay-out – ang DSWD ang mangangasiwa sa pagbibigay ng pensyon sa bawat benepisyaryo ng bawat bayan.

Ano ang basehan para palitan ang Social Pensioner?

  • Pagkamatay
  • Paglipat ng social pensioner ng tirahan sa ibang lungsod o munisipyo
  • Kung napatunayang mayroong tinatanggap na ibang pension
  • Hindi makita ang ibinigay na address
  • Kung napatunayang mayroong regular na kita o suporta mula sa pamilya

Ang mga social pensioner na naalis base sa mga nasabing kadahilanan ay papalitan ng mga nasa waiting-list ng lokal na pamahalaan.

image_pdfimage_print