“Napakahirap talaga ng daan namin dati, tuwing umuulan ay kulang nalang ang itatanim na palay dahil maputik at lubak-lubak.” Ganito inilarawan ni Orlinor Valdez, residente ng Barangay Buted, Talugtug, Nueva Ecija at volunteer ng DSWD Kalahi-CIDSS ang kanilang lumang daan.

Kwento naman ni Danny Edwin Robillos, “may mga pagkakatataon na tinatanggihan talaga ng mga tricycle driver ang mga pasaherong papunta dito sa aming barangay lalo na tuwing tag-ulan dahil lubak-lubak ang aming daan.”

Kaya naman nabigyan ng pag-asa ang mga residente nang dumating ang Kalahi-CIDSS sa Talugtug. Dalawang cycle man silang nabigo o hindi napasama sa mga barangay na nabigyan ng pondo. Nagpatuloy sila sa pagpupursige hanggang noong 3rd cycle ay isa na sila sa mga barangay na nabigyan ng pondo.

“Noong nalaman naming na 3rd cycle na ay nagsumikap kami na mag volunteer para maipagawa ang aming daan. Masaya kami kasi na-prio na kami at ngayon ay naipagawa na namin ang aming daan. Masayang-masaya na rin ang mga bata na nag-aaral sa bayan lalo na ‘yung mga sekondarya.” Ani Orlnor Valdez, Volunteer ng DSWD Kalahi-CIDSS

27 high school students ang nagmumula sa Buted na dumadaan sa nasabing daan papunta sa pinakamalapit na eskwelahan. Tuwing tag-ulan din daw kasi ay hirap ang mga estudyante sa pagpunta sa pinakamalapit na eskwelahan dahil maputik ang daan.

Ang pamasahe sa tricycle mula bayan hanggang Barangay Buted ay 15 pesos kada tao at 50 pesos naman kapag special trip.

Ang kanilang proyektong Concreting of 0.62KM Access Road with Lined Canal ay may kabuuang pondo na Php 5,476,150.00 mula sa DSWD Kalahi-CIDSS at lokal na pamahalaan. Ito ay papakinabangan ng 216 Household beneficiaries.

Sama-sama namang nagtrabaho ang buong komunidad para maipagawa ang kanilang daan. Ang kanilang proyekto kasi ay ginamitan ng Community Force Account o CFA kung saan ang mga tao mismo sa komunidad ang nagta-trabaho para sa kanilang proyekto.

Naging malaking ambag din daw ang magandang ugnayan ng mga residente at lokal na pamahalaan upang maipatupad ang nasabing proyekto, “

Samantala nagpapasalamat naman si Kaptan Alejandro Tomas SR. sa programa, aniya “Maganda ang Kalahi-CIDSS dahil natulungan kami sa pagpa-plano, pag-iimplement ng farm-to-market road na project at nagkaroon din kami ng dagdag kaalaman dahil sa mga ibinigay na pagsasanay.”

Maglalaan naman ang barangay ng Php 45,000 na pondo para sa repair and maintenance ng kanilang kalsada, upang mas humaba pa raw ang kapakinabangan nito.

###



image_pdfimage_print