Maagap na ipinamahagi ang 70 na family food packs at 70 na hygiene kits sa mga biktima ng sunog sa Obando, Bulacan, kahapon April 6.


Ayon sa MSWDO ng Obando, may kabuuan na 69 na pamilya (227 indibidwal) ang apektado ng sunog sa Brgy. Salambao noong April 3, 2019. Overcharge na cellphone ang naging sanhi ng sunog na mabilis tumupok ng mga kabahayan na gawa sa light materials.

Pananalanta ng sunog sa Brgy. Salamabao, Obando, Bulacan noong gabi ng April 3, 2019.
Mga napinsalang kabahayan na yari sa light materials.

Kasalukuyang namamalagi ang mga apektadong pamilya sa Barangay Hall ng sa Brgy. Salambao.


Pamamahagi ng family food packs at sleeping kits sa mga nasunugan.

Ang bawat family food packs ay may halagang ₱ 360.00 bawat isa at naglalaman ng 6 na kilong bigas, 4 na lata ng corned beef, 4 lata ng sardinas at 6 na sachet ng 3-in-1 coffee mix. Samantalang ₱ 757.75 ang halaga ng bawat sleeping kits ay may lamang 1 blanket, 1 sleeping mat, 1 kulambo at 1 malong.

image_pdfimage_print