Ceremonial turn-over for the 0.316 km na barangay road sub-project San Miguel, Quezon, Nueva Ecija

Ang dating maputik at binabahang daan sa Purok 4 sa barangay San Miguel, Quezon, Nueva Ecija ngayon ay sementado na.

Pagsasaayos ng 0.316 km na barangay road at improvement ng Cross drain sa Purok 4 Barangay San Miguel, Quezon, Nueva Ecija ang napagkaisahang sub-project para sa 3rd cycle ng DSWD Kalahi-CIDSS ng mga residente.

Malaki ang pasasalamat ni Barangay Captain Manolito Santiago, “Nagpapasalamat ako sa mga masisipag na community volunteers, sa suporta ng lokal na pamahalaan ng Quezon, at sa Kalahi-CIDSS.” Aniya

Ceremonial Groundbreaking for the 70 units solar powered streetlights sa purok 1,2 at 3 of San Miguel, Quezon, Nueva Ecija

Kaugnay nito ay pinasinayaan na rin ang paguumpisa ng kanilang 4th cycle sub-project na Pagsu-supply ay pagkakabit ng 70 units solar powered streetlights sa purok 1,2 at 3. Ang kanilang 3rd cycle sub-project ay papakibangan ng 98 sambahayan.

Samantala ang 4th cycle sub-project ay pakikinabangan ng 342 sambahayan. Samantala, paalala naman ni Assistant Regional Director for Administration at Regional Program Manager ng DSWD Kalahi-CIDSS Region III Irene C. Crespo na panatilihing maayos ang kanilang mga proyekto para tumagal ang kapakinabangan.

Hiling naman ni Divsion Chief for Promotive Services Melanie Barnachea, “Sana kahit mawala na ang Kalahi-CIDSS ay magpatuloy pa rin ang spirit of volunteerism ninyo sa inyong barangay.” Ang DSWD Kalahi-CIDSS ay inaasahang matatapos ngayong taon.

image_pdfimage_print