Ceremonial Groundbreaking for the sub-project of Barangay Sto. Tomas Feria, Quezon, Nueva Ecija

Ang mga community volunteers at lokal na pamahalaan ng barangay Sto. Tomas Feria ay isa mga  aktibong barangay na nakikibahagi sa mga aktibidad ng DSWD Kalahi-CIDSS, ngunit mula 1st–3rd cycle ay hindi pa napondohan ang kanilang napagkasunduang proyektong pagpapakonkreto ng daanan patungong paaralan na may sukat na 0.995 Kilometro Sa Purok 4, 5 At 7 Ng Barangay Sto. Tomas Feria, Quezon Nueva Ecija.

Kaya naman labis ang kanilang tuwa at pasasalamat dahil ngayong 4th call ay isa na sila sa mga nabigyan ng pondo, “Ito na ang simula ng ipinaglalaban ninyong proyekto simula 1st cycle ng programa. Ito na ang sukli sa lahat ng inyong mga sakrispisyo,” pahayag ni Avelina Dela Cruz, Municipal Social Welfare and Development Officer.

Ang nasabing proyektong ay malaking tulong para sa mga magulang na may anak na high school student. “Kapag natapos na ang daanan na ‘yan ay malaking tulong ito, dahil ngayon kasi ay 50-60 pesos ang pamasahe ng mga high school papunta sa eskwelan dahil umiikot pa sila sa ibang barangay. Pero kapag natapos na ang daan, 15-20 pesos nalang ang kanilang magiging pamasahe. At, mapapabilis na rin ang pagbebenta ng aming mga produkto dahil mas mapapadali ang pagpasok ng mga buyer o mamimili dito sa aming barangay.” patunay ni Imelda S. Pascual, Barangay Sub-Project Management Committee ng Barangay Sto. Tomas.

Samantala, labis naman ang pasasalamat ng kapitan ng barangay na si Alberto Liberato sa mga community volunteers. Aniya, “Masasabi kong kayo ay mga tunay na bayani. Pangako ko na kasama ninyo ako at ang buong BLGU sa pagpapalago ng magandang mithiin para sa ating lahat. Maraming salamat din sa MLGU at sa Kalahi-CIDSS na mabigyan ang aming barangay ng isang proyektong makakatugon sa katapuran ng pagpapaunlad ng aming barangay.”

Dagdag naman ni Melanie Barnachea, Division Chief, Promotive Services, “we were inspired sa [inyong] mga sakrispisyo para sa inyong komunidad. Ang pinakamalaking counterpart ninyo ay ang mga inyong oras na ibinabahagi, dahil kung wala kayo, kahit may pera, ay hindi rin magtatagumpay ang programa.”

Ang proyekto ay may kabuuang pondo na ₱ 7,034,500.00 kung saan ₱ 6,758,000 ay mula sa DSWD Kalahi-CIDSS at and ₱ 276,500 ay mula naman sa local counterpart.  Ito ay inaasahang papakinabangan ng 510 sambahayan.

#

image_pdfimage_print