CABANATUAN, NUEVA ECIJA — 520 na mga benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development Field Office III (DSWD FO III) ang naging kabilang sa Mass Graduation. Sila  ay sumailalaim sa pagsasanany sa mga kursong Dress Making NC II, Shielded Metal Arc Welding NC II at Beauty Care NC II.

Ang mga naturang benepisyaryo ay nakatanggap ng ₱20,000 libong piso sa pamamagitan ilalim ng track ng programa na Employment Facilitation na may modality na Skills Training. Ang halagang ito ay ginamit sa kanilang pambayad sa enrollment ng vocational course, gayundin nakapaloob din dito ang kanilang allowance at pambili ng starter kits na kanilang magagamit sa kanilang pagsisimula bilang mga nagsipag-tapos ng Dress Making NC II, Shielded Metal Arc Welding NC II at Beauty Care NC II.

Isa sa mga innovation ng DSWD FO III at Technological Vocational Institutions (TVIs) ang paglalagay ng QR code stickers sa mga starter kits ng mga benepisyaryo. Ang QR code ay magsisilbing kakaibang tracking system kung saan kapag ito ay ini-scan makikita ang mga detalye tulad ng pangalan at tirahan ng benepisyaryo at iba pang detalye.

Ang aktibidad na ito ay nagpapatunay lamang ng matibay na pagkaka-isa ng DSWD FO III at ng mga TVIs sa Gitnang Luzon.

Nilalayon ng programa na bigyang oportunidad ang mga benepisyaryo upang mahasa at mas mapagbuti pa ang kanilang mga kasanayan nang sa gayon ay magkaroon sila ng stable na pagkakakitaan

Binigyang diin ni  Gng. Melanie M. Barnachea na pagyamanin ang kanilang mga natutunandahil ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili.

Hinikayat naman ni Gn. Vencie P. Vertulfo, Regional Program Coordinator ng SLP, ang mga nagsipagtapos na gamitin ang kanilang natanggap na biyaya sa makabuluhang bagay at sana ay makatulong ang SLP sa kanilang pag-ahon sa kahirapan.

Ang programang ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD FO III, katuwang ang TESDA sa pangunguna ng kanilang Provincial Director na si ALejandrua N. De Jesus, mga TVIs: Floriano Bao Sadian Tech. Voc. School Foundation Inc., Asia Pacific College of Business and Arts, Craftsman’s Technical Vocational School at JVF Center for Technical Studies and Assessment, at sa pakikipagugnayan sa mga Lokal na Pamahalaan ng Cabanatuan, Nueva Ecija.

image_pdfimage_print