Nagsagawa ng profiling ang DSWD FO III sa mga biktima ng sunog sa Orion, noong February 8, 2019. Isa-isang kinapanayam ng mga staff ang bawat head of the household upang malaman ang kanilang bilang, edad at kung saan sila nanggaling na probinsya. Layon ng profiling na malaman ang kumpletong datos ng mga biktima at kung anong mga programa ng DSWD ang maaaring ibahagi sa kanila.

Sa paunang ulat ng Disater Response Operations Management and Information Center (DROMIC) may bilang na 1,018 pamilya ang nasunugan sa Capunitan, Orion noong January 29, 2019. Ang sunog ay tumupok ng humigit kumulang na 947 na kabahayan at may isang naitalang nasawi.

Pakikipanayam ng staff ng DSWD sa mga head of the household ng mga biktima ng sunog sa Orion, Bataan.

Noong nakaraang linggo, nagbahagi na ng mga family food packs, family kits, sleeping kits at emergency shelter tents ang DSWD. Kasalukuyang mayroong 465 na pamilya ang nanunuluyan sa Bataan School of Fisheries na kung saan 24 na classrooms at walong (8) DSWD tents ang gamit nila. Magdadagdag pa ng 10 karagadagang tents ang DSWD na ibabahagi sa evacuation center ngayong linggo.

Pamamahagi ng mga family food packs sa mga biktima ng sunog.
Evacuation Center sa Bataan School of Fisheries.

Ang mga datos na nakuha ay dadaan sa proseso ng assessment na kung saan magtatakda ng rehabilitation plan para sa mga biktima ng sunog.

Pinangungunahan ng Disaster Response Management Division ng DSWD FO III ang gawaing ito.

image_pdfimage_print