Groundbreaking ceremony para sa proyektong pagsasaayos ng daan sa Brgy. San Andres, Quezon, Nueva Ecija

Pagsasaka ang isa sa pangunahing ikinabubuhay ng mga residente ng barangay San Andres II, Quezon, Nueva Ecija.

Ngunit dahil sa sira-sirang daan na nagdudugtong sa kanilang barangay sa bayan at sa pinakamalapit na district hospital, ay nahihirapan silang mai-angkat ang kanilang mga produkto, “Kapag umuulan, ‘yung daan na ‘yan ay hindi na talaga madaanan at pati yung mga namumuhunan ay hindi na rin makadaan. Kaya nahihirapan kaming ibenta yung mga produkto namin.” bahagi ni Ricardo Sumeza, Barangay Sub-Project Management Committee (BSPMC) Barangay San Andres II, Quezon, Nueva Ecija. Dagdag pa niya, “Sa tuwing may nagkakasakit ay hindi agad maitakbo sa hospital dahil sa sitwasyon ng daan.

Kung kaya naman pagsasaayos ng kanilang daan ang napagkaisahan nilang proyekto ngayong 4th call ng programang Kapit-Bisig Laban Sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ginanap ang Ground-breaking Ceremony noong ika-20 ng Pebrero 2019 para sa kanilang proyekto. Ang daan aymay sukat na 1.42km sa Purok 1, San Andres II, Quezon, Nueva Ecija.

Ang proyekto ay may kabuuang pondo na Php 7,678,730. Kung saan Php 7,376,900.00 dito ay mula sa DSWD Kalahi-CIDSS at Php 301,830 ay mula naman sa Municipal Local Counterpart Contribution.

Ito ay inaasahang papakinabangan ng 411 sambayahan.

Lubos naman ang pasasalamat ni Junardo Matias, Punong barangay ng San Andres II sa pagdating ng Kalahi sa kanilang bayan, “Malaki talaga ang naitulong ng Kalahi dito sa ‘amin, at hiling namin na sana’y ma-extend pa ito upang marami pa ang matulungan.”

#

image_pdfimage_print