1-Unit two (2) classroom school building sub-project of Barangay Villa Rosenda, Talugtug, Nueva Ecija

TALUGTUG, NUEVA ECIJA — Matapos ang 150 days, naipatupad na ng mga community volunteers ng Barangay Villa Rosenda, Talugtug, Nueva Ecija ang kanilang proyekto na 2 silid-aralan.

Hindi na sumasapat ang mga silid-aralan ng Barangay Villa Rosenda Elementary School sa lumalaking bilang ng mga mag-aaral. May mga pagkakataon pa na nagsasama ang dalawang baitang sa iisang silid-aralan at naranasan din ng ilang mga estudyante ang magklase sa ilalim ng puno tuwing alas tres ng hapon dahil mainit sa kanilang silid-aralan.

Kung kaya ito ang siyang inilapit na proyekto ng mga residente ng nasabing barangay sa 3rd cycle ng programang Kapit-Bisig Laban Sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS) ng Department of Social Welfare and Development.

Nagbunga naman ang kanilang sakripisyo dahil isa sila sa dalawang barangay na nabigyan ng pondo ng programa.

Ang proyekto ay may kabuuang pondo na ₱ 2,407,760.00. ₱ 2,345,000.00 (97.39%) dito ay mula sa DSWD Kalahi-CIDSS,  ₱ 52,260.00 (2.17%) naman ay mula sa Municipal Local Government Unit (MLGU) at ang ₱ 10,000.00 (0.41%) ay mula sa Barangay Local Government Unit (BLGU).

Ang proyekto ay papakinabangan ng 28 pre-elem at 23 grade 4 students.

image_pdfimage_print