Alam mo ba na sa dalawang cycle ng DSWD Kalahi-CIDSS, nabigo ang Brgy. Villa Rosenda?

Oo, dalawang beses silang hindi “na-prio” o hindi nabigyan ng pondo ang kanilang proyekto na tutugon sana sa natukoy nilang problema sa kanilang barangay.

Pero dahil sa determinasyon at #SamaSamangPagkilosNangMayMalasakit ng 21 community volunteers, Villa Rosenda Elementary School teachers at Barangal Local Government Unit, natupad na ang pangarap nilang pagpapatayo ng karadagang silid aralan para sa mga mag-aaral ng Villa Rosenda Elementary School. Ito ay dahil “na-prio” na sila sa 3rd cycle ng DSWD Kalahi-CIDSS.

 

Ang kanilang proyekto na 1-unit two Classroom school building ay may kabuuang pondo na 2,407,760, kung saan 2,345,000 dito ay mula sa kalahi, 55,260 ay mula sa Municipal Local Government (MLGU) at 10,000 naman ay mula sa Barangay Local Government Unit (BLGU).

Ito ay inumpisahang gawin noong September 10, 2018 at inaasahang matatapos sa loob ng 90 days. Ang proyektong ito ay inaasahang pakikinabangan ng 50 Households.

Bukod dito, ang grupo ng mga community volunteers na Parent-teachers Association ay isa rin sa mga awardees sa katatapos lamang na 2018 Regional Bayani Ka! Awards ng DSWD Region III kung saan ang ilang porsyentong natanggap nilang cash prize ay ibinahagi sa Villa Rosenda Elementary School na siya namang ginamit sa gulayan sa nasabing paaralan.

Isa lamang itong patunay na malaki ang magagawa kung ang buong komunidad ay sama-samang nagtutulungan para sa ikauunlad ng kanilang mamamayan. #

image_pdfimage_print