PAMPANGA, Philippines. Ipinagdiriwang ngayon ang 7th Juvenile Justice and Welfare Counsciousness Week. Ito ay may temang: Lipunan, Bata at Magulang, Sabay-sabay para sa Kaunlaran.

Layon nitong palaganapin ang kaalaman ng mamamayan ukol sa Republic Act (RA) 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006. Isang Batas na pumoprotekta sa karapatan ng mga batang may suliranin sa batas o mas kilala sa tawag na Child in Conflict with the Law (CICL) at Child at Risk (CAR) sa ilalim ng Restorative Justice and Welfare System sa ating bansa.

Ang Republic Act (RA) 10630 naman ay ang pagtatatag ng Comprehensive Juvenile Justice and Welfare System, paglikha ng Juvenile Justice and Welfare Council (JJWC) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang mga layunin.

Ang CAR ay bata na kung saan siya ay considered na vulnerable, pwedeng mapahamak, o pwedeng makapanakit ng ibang tao.  Ang CICL ay batang “di-umano’y”, “inakusahan ng” o “pinagbintangan ng” nakagawa ng pagkakasala na labag sa batas ng Pilipinas.

Ang mga kabataang ito ay pansamantalang inaalagaan sa ***Bahay Pag-asa. Ito ay isang 24-hour Child-caring institution na itinatag, pinondohan at pinamamahalaan ng LGUs at licensed/accredited NGOs na nagbibigay ng pansamantalang residential care para sa CICL na on-trial pa ang kaso o referred ng isang LSWDO para mag undergo ng intensive center-based rehabilitation program.

RJJWC’s STAND ON THE LOWERING OF MINIMUM AGE OF CRIMINAL RESPONSIBILITY (MACR) – 15 YEARS OLD: MINIMUM AGE OF CRIMINAL RESPONSIBILITY

Sec 6. MACR – Lahat ng batang may edad 15 taong gulang pababa na nakagawa ng paglabag sa batas ay WALANG CRIMINAL LIABILITY ngunit dapat siya ay sumailalim sa intervention program. (pursuant to sec.20 ng batas na ito)

Kapag binaba ang edad ng MACR sa 9 taong gulang, hindi nito mapipigilan ang pagkasangkot ng mga bata sa krimen. Maagang pagbibilanggo sa mga bata ay hindi sagot para sila ay magbago. Dysfunctional Family ang isa sa dahilan kung bakit may batang nakakagawa ng kaso.

Kapag binaba ang edad ng MACR sa 9 taong gulang, hindi liliit ang posyento ng krimen sa ating bansa. 98.46% ng buong bilang ng mga krimen na nai-report sa pulis ay ginawa ng adults, at hindi ang mga bata.

Kapag binaba ang edad ng MACR sa 9 taong gulang, malaking gastos at magiging mahirap ito sa panig ng Gobyerno. Mandato ng 9344 na magtayo ng BAHAY PAG-ASA sa 81 na probinsya at 33 sa mga High Urbanized Cities

Kapag binaba ang edad ng MACR sa 9 taong gulang, sinasantabi natin ang tunay na impormasyon patungkol sa Brain Development ng isang Bata. Ayon sa mga Sayantipiko, ang BRAIN DEVELOPMENT ng tao ay nagaganap hanggang 21 taong gulang. Maturity age ng isang tao ay nasa 20-25 taong gulang.

Ang pagbaba ng edad ng MACR sa 9 taong gulang ay salungat sa LEGAL OBLIGATIONS bilang State Party sa UN Convention on the Rights of the Child Ang Pilipinas ay isa sa State Parties na lumagda sa UNCRC, at obligasyon na i-maintain ang MACR.

Ang pagbaba ng edad ng MACR sa 9 taong gulang ay UNCONSTITUTIONAL.

  1. Maraming mahihiwalay sa magulang na CICL;
  2. Mawawala yung karapatan nilang umunlad kasama ang magulang at kaibigan;
  3. Sila ay pwedeng maabuso;
  4. Pwede silang ma-exploit kung nakasuhan sila;
  5. Magtatagal sila sa kulungan kung laging  pending ang trial nila.

Ang aming mungkahi:

  1. Dagdagan ang mga duty bearers sa na nag-iimplement ng mga programa’t serbisyo sa mga bata;
  2. Additional fund sa pagpapatayo ng mga Bahay Pag-asa
  3. Activation ng mga LCPC sa mga LGU
  4. Mag hire ng mga Psychologist para sa mga Bahay Pag-asa
  5. Mag invest ang gobyerno sa Comprehensive Juvenile Intervention Programs sa lahat ng level ng LGUs.

***

Facility

Location

Contact Details.

Children Rehabilitation Center- San Jose City, Nueva Ecija City’s Crisis Intervention Center, Sto. Niño 1st, San Jose City, Nueva Ecija Lourdes S. Medina – Center Head , Juanita A. Divina 019173936686 cswdbagongsanjosecity@yahoo.com, Remedios L. Pineda edisonubaldo@yahoo.com 0933-0178788
Aurora Provincial Bahay Pag-asa Center Brgy. Calabuanan, Baler, Aurora Abigiael F. Paulino, SWO III- 09175045355, pswdo_aurora@yahoo.com.ph, Gloe Almariego, Center Head- 09206027300
Bahay Pag-Asa Residential Care Center Purok 6 Barangay Kalikid Sur Cabanatuan City RICHARD C. VELAYO cabanatuancswdo@yahoo.com 09054418811 and 09424674182
Tanglaw Pag-asa Juvenile Center Malolos City, Bulacan Jay Mark Chico 09338527407 jaymarkchico@ymail.com
Bahay Pag-Asa Angeles Pampang, Angeles City Francis De Guzman Center head (045) 322-4105, 893-2506
image_pdfimage_print