Matagumpay na isinagawa ang pay-out ng Emergency Shelter Assistance (ESA) Program ng Department of Social Welfare and Development sa anim na lalawigan ng Gitnang Luzon nitong ika-26 ng Oktubre hanggang ika-31 ng Oktubre 2018. Ang ESA Program ay naglalayong mabigyan ng ayudang pinansyal ang mga mamamayang nasiraan ng tirahan dulot ng kalamidad.
Naitala na sa buong Gitnang Luzon, mayroong 547 na nasirang tirahan, 197 ang totally damaged, at 350 ang partially damaged. Ang mga ito ay dumaan sa proseso ng validation na isinagawa noong buwan ng Agosto.
Makakatanggap ng ₱33,000.00 ang may totally damaged na tirahan at ang halagang ₱3,000.00 ay ilalan sa labor o upa sa pagpapagawa, ito ay katumbas ng sampung (10) araw na cash for work. Samantalang ₱11,500.00 naman para sa partially damaged na tirahan, nakapaloob dito ang ₱1,500.00 na katumbas ng limang (5) araw na cash for work. Inilaan ang halagang ₱10,526,000.00 sa mga pamilyang nasiraan ng tirahan noong kasagsagan ng Habagat na dulot ng Bagyong Henry, Inday at Josie.
Ang probinsya ng Bataan ay ang may pinakamataas na natalang totally at partially damaged na mga tirahan mula sa pitong mga munispyo, na may pinagsamang bilang na 342 na tirahan. Samantalang ang probinsya ng Bulacan ay nakapagtala lamang ng pinagsamang bilang na 12 totally at partially damaged na mga tirahan mula sa iisang munisipyo.
Pagkalipas ng isang buwan, magkakaroon ng monitoring upang tiyakin ang natanggap na benepisyo ay nagamit sa pagpapaayos ng tirahan.
image_pdfimage_print