Ginanap ang ceremonial awarding of check nitong Oktubre 15, 2018 sa People’s Center, Provincial Capitol, Balanga, Bataan. Ang cheke na nagkakahalaga ng ₱33,340,000 ay iginawad sa Provincial Government of Bataan mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office III. Ito ay para sa implementsyon ng Sustainable Livelihood Program sa probinsya. Ang halagang ito ay gagamitin sa 52 projects na pakikinabangan ng 1,667 na mga benepisyaryo.

“Ito po ang magiging kontribusyon para sa probinsya ng Bataan upang makamit ang goal sa 2022 ng 14% poverty reduction,” banggit ng Regional Director Gemma B. Gabuya

Kasabay nito ang awarding ng Seal of Child Friendly Local Governance (SCFLG), kung saan ay binigyang parangal ang 11 munisipyo at isang siyudad ng probinsya ng Bataan.

Pinasalamatan ni RD Gemma B. Gabuya si Gobernador Albert S. Garcia sa pagpapanatili ng standard upang mabigyang importansya ang 4 major rights ng mga kabataan at sa pagpaparticipate ng probinsya sa welfare ng mga kabataan. Dadag pa ni RD Gabuya, “I think this would be our best gift for our children.”

Ito ang pangatlong taon ng pagbibigay parangal ng SCFLG, at ang Probinsya ng Bataan ay ginawaran ng parangal sa magkasunod na dalawang taon.

image_pdfimage_print