Idinaos ang taunang Regional Assembly of Adoptive and Foster Families noong Setyembre 21-22, 2018 sa Bayfront Hotel, Subic Bay, Zambales na inorganisa ng Department of Social Welfare and Development. Parte ang aktibidad na ito ng pagdiriwang ng National Family Week na ginaganap twing huling linggo ng buwan ng Setyembre.

Dinaluhan ng 120 na mga adoptive at foster parents kasama ang kanilang mga anak ang assembly kung saan sila ay nag-bahagi ng kanilang mga karanasan.  Ilan sa mga usapin na natalakay ay 1. Ano ang adoptive at foster parenting at, 2. Paano i-handle ang stress na kaakibat nito. Habang ang mga magulang ay nakikinig sa talakayan na ito, ang kanilang mga anak ay binigyan ng mga aktibidad gaya ng story telling, craft making at movie viewing.

Ibinahagi nina G. Romeo at Gng. Jane Evangelista, mga adoptive parents ang kanilang pasasalamat sa DSWD, ” Maraming salamat po sa DSWD, tatanawin po naming utang na loob ‘yung blessing na through you — through your help ay nabigyan kami ng aking asawa ng dalawang anak.”

Layunin ng assembly na mas palawigin ang kaalaman at kakayahan ng mga adoptive at foster parents, gayundin pagtibayin ang relasyon sa pagitan ng mga magulang at kanilang mga anak.

image_pdfimage_print