Categorized | featured

PASAN

Marahil napakarami ng natabunan ng kahirapan; ngunit, halos dalawampu’t pitong taon na ang nakakaraan, nang nagalit ang bulkan, ang Pinatubo na nagpabaon sa masaganang lupa, ari-arian. Ilang pulgada katumbas ng halos tatlong dekada, isang kahapong marahas na nag-iwan ng bakas.

“Pasan-pasan po namin ang mga gulay na inangkat namin sa Sitio, minsan lima o tatlong sako. Halos apat na oras po ang paglalakad papunta sa bayan. Para po sa mga anak namin.”
Ang ating mga katutubo, masagana sa lupa at mayaman sa kultura. Hindi na sila iba, madalas na natin silang nakakasalamuha. Isa sakanila ang pamilya Bagat na naninirahan sa Sitio Banawen, Barangay Maloma, San Felipe, Zambales. Bunga ng isang taong panliligaw ni Tatay Alejo kay Nanay Julie, nagkaroon sila ng walong anak. Ayon sakanila, hindi man sila tumigil magsikap, apat sakanilang mga anak ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Kasabay na nito ang pagputok ng bulkang Pinatubo na tuluyang ibinaon ang kanilang mga tanim na pinagkakakitaan. Ang panganay na si Jerah, bagamat nakatungtong ng ikalawang taon sa kolehiyo hindi sumapat ang kita upang sya ay mapagtapos, si Jonas naman ay nakatungtong ng ika-apat na baitang, habang si Jeanne at Jayneth naman ay naging ganoon din ang kapalaran.

Taong 2012 ng mapasama ang Pamilya Bagat sa Programang Pantawid Pamilya ng DSWD. Sila ay aktibo sa naturang programa. Sa katunayan ay naging Parent Leader si Tatay Alejo na kung saan siya ang nangunguna sa ibat ibang gawain ng programa at walang sawang ipinapaabot sa kanyang mga kasamahan ang mga mahahalagang impormasyon patungkol sa mga programa. Magkatuwang ang mag-asawa sa bawat pagsubok hanggang sa patuloy nilang napag-aral ang apat pa nilang mga anak na sina Allysa Joy, Jessica, Jerameh, at Juliet. Katuwang ang 4P’s, si Allysa Joy (21), ay nakapagtapos na sa kolehiyo ngayong taon sa kursong Bachelor of Elementary Education at kasalukuyan ng nagtuturo sa kanyang mga kapawa katutubo. Si Jessica naman (20) ay tutungtong na sa ika-apat na taon sa kolehiyo sa pasukan sa kursong Bachelor of Science in Agriculture. Habang sina Jerameh (17) at Juliet (16) na patuloy na minomonitor ng 4P’s ay tutungtong na sa Senior High School sa pasukan.

Si Tatay Alejo ay isang Indigenous People’s President ng mga Senior Citizen sa kanilang barangay na may apatnapung miyembro. Sya rin ang kinilalang “elder” sa kanilang Sitio at may hawak ng Certificate of Ancestral Domain (CAD), kasama ang kanyang pamilya, chieftain, at sa tulong na din ng National Commission of Indigenous People’s (NCIP), tuloy ang kanilang laban upang makuha na ang titulo o ang Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) para sa seguridad ng kanilang lupa. Bukod rito, si Tatay Alejo din ay vice president ng Indigenous People’s Education (IPED), kaisa sya sa mga tagapag-balangkas ng mga ituturong wika sa mga katutubo hanggang marating nila ang K-12.

Gamit ang mga paa, sipag, tiyaga, at pagmamahal sa pamilya sa halos dalawampung taong paglalakad pasan-pasan ang mga ibat-ibang uri ng gulay na paninda mula sa kabundukan hanggang sa bayan ng apat na oras, umaraw man o umulan, tunay nga na nagbunga na ang bawat patak ng pawis at luha.

Nakapagpatayo na rin sila ng bahay sa kabihasnan upang hindi na mahirapan sa pagpasok sa eskwela ang kanilang mga anak. Nag-aangkat pa rin sila ng gulay galing sa kanilang Sitio bilang kabuhayan na ngayon naman ay naibababa na gamit ang kanilang nabiling kalabaw. Mayroon na rin silang motorsiklo. Ayon kay Nanay Julie, diskarte, pagmamahal sa pamilya, at panalangin sa Diyos ang kanilang naging susi sa negosyo. Minsan na din silang nakapag-ani ng tanim na palay, hindi nila binenta kundi naging pagkain nila ito ng isang taon. Bagamat ang Pamilya ay purong Ayta na nahaharap sa pagbabago, naipapanatili pa rin nila ang kanilang kultura sa pamamagitan ng pagkwekwento at pag papaalala na hindi nila dapat kalimutan ang mga kinagisnang kultura ng katutubo.

Marahil nga marami man ang natabunan ngkahirapan, may ilan pa ring patuloy na aahon at gagamitin ang mga natutunan sa marahas na kahapon, isa na rito ang Pamilya Bagat.
Bakit sila maituturing na Huwarang Pamilya? Sila ay galing sa mahirap at malaking Pamilya subalit sila ay nagpupunyagi na mapaunlad ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagkakaisa at pagtitiyaga. Sila din ay ehemplo ng mga katutubong pamayanan sapagkat isa sila sa nakikipaglaban para sa karapatan at pagprepreserba ng kultura.

 

Isinulat nina: Leo Redelio R. Carias at Cherrìe Lyn T. Herico

Mga Larawan ni: Cherrìe Lyn T. Herico

#DSWDGitnangLuzon #MayMalasakitSaPamilya #2018NationalFamilyWeek

This post was written by:

- who has written 73 posts on DSWD Field Office III Official Website.

He is the Regional Information Officer of DSWD Field Office III, has earned two bachelor degrees, topped the 2017 Social Work Licensure Examination, and currently pursuing a master degree in Social Work.

Contact the author

Comments are closed.

Transparency Seal

citizenzcharter

eaics_logo

philgeps

Tweets by ‎@dswdfo3


Related Sites

PHVsPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1YS5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8yPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yi5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yy5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1ZC5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9tcHVfYWRzZW5zZTwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9kaXNhYmxlPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbS9hZHMvMzAweDI1MGEuanBnPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfbXB1X3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9hZHNlbnNlPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX2Rpc2FibGU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHBzOi8vZm8zLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvdXBsb2Fkcy8yMDE3LzAzL2Jhbm5lcl9mbzMucG5nPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzI8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF91cmxfMzwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRzX3JvdGF0ZTwvc3Ryb25nPiAtIHRydWU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hbHRfc3R5bGVzaGVldDwvc3Ryb25nPiAtIGRlZmF1bHQuY3NzPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYXV0aG9yPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hdXRvX2ltZzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fY3VzdG9tX2Nzczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2N1c3RvbV9mYXZpY29uPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVhdF9lbnRyaWVzPC9zdHJvbmc+IC0gU2VsZWN0IGEgbnVtYmVyOjwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlYXR1cmVkX2NhdGVnb3J5PC9zdHJvbmc+IC0gU2VsZWN0IGEgY2F0ZWdvcnk6PC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVlZGJ1cm5lcl9pZDwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlZWRidXJuZXJfdXJsPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZ29vZ2xlX2FuYWx5dGljczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWVfdGh1bWJfaGVpZ2h0PC9zdHJvbmc+IC0gNTc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19ob21lX3RodW1iX3dpZHRoPC9zdHJvbmc+IC0gMTAwPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29faW1hZ2Vfc2luZ2xlPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19sb2dvPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cHM6Ly9mbzMuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC91cGxvYWRzLzIwMTcvMDMvcnN6X2ZpbmFsX2xvZ29fZHN3ZC5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19tYW51YWw8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vc3VwcG9ydC90aGVtZS1kb2N1bWVudGF0aW9uL2dhemV0dGUtZWRpdGlvbi88L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19yZXNpemU8L3N0cm9uZz4gLSB0cnVlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvcnRuYW1lPC9zdHJvbmc+IC0gd29vPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd19jYXJvdXNlbDwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd192aWRlbzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2luZ2xlX2hlaWdodDwvc3Ryb25nPiAtIDE4MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3NpbmdsZV93aWR0aDwvc3Ryb25nPiAtIDI1MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RhYnM8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RoZW1lbmFtZTwvc3Ryb25nPiAtIEdhemV0dGU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb192aWRlb19jYXRlZ29yeTwvc3Ryb25nPiAtIFNlbGVjdCBhIGNhdGVnb3J5OjwvbGk+PC91bD4=