Categorized | featured

Veggie Noodles: Bagong pinagkakakitaan ng 4Ps Beneficiaries at Kalahi Volunteers sa tulong ng SLP

“Marami po akong natutunan sa KALAHI na talagang nagagamit ko ngayon sa grupo namin na SLP,” wika ni Anita, President ng SLP Association – Veggie Noodles Production.

QUEZON, NUEVA ECIJA—Labing siyam (19) na residente ng Brgy. San Miguel, Quezon Nueva Ecija ang nakatanggap ng pondo na nagkakahalagang Php92,397 mula sa isa sa mga programa ng DSWD na Sustainable Livelihood Program para sa proyektong pangkabuhayan na Veggie Noodles Production.

Karamihan sa mga residenteng ito ay mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program. Sa programang ito, ang mga benepisyaryo ay naging aktibo sa pakikilahok sa mga gawain ng komunidad dahil sa malimit silang ipinapatawag sa mga pagpupulong at mga diskusyon ukol sa pagpapaunlad ng kanilang sarili o mas kilala rin sa tawag na Family Development Session (FDS).

Proseso ng paghuhulma ng Veggie Noodles

Nang dahil dito sila ay namulat sila sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kusa sa pakikipag-isa sa lokal na pamahalaan at maging sa kanilang kinabibilangang barangay. Sila ay nahikayat na maging Community Volunteers sa programang KALAHI CIDSS (o Kapit-bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Servicse).

Ilan sa mga benepisyaryo na nakatalaga sa pagmamasa at paghuhulma ng Veggie Noodles

Isa rin ito sa mga programa ng DSWD na naglalayong mapalakas ang mga local na komunidad sa pamamagitan ng paghikayat sa mga mamamayan na makilahok sa pagresolba ng mga isyu at problemang nararanasan ng lugar, partikular na sa barangay. Sa pakikilahok sa mga gawain ng programa at iba’t ibang pagpupulong ay mas lalong natuto ang mga residente. Isa sa kanilang mga natutunan ay ang proseso ng paggawa project proposals. Kung saan sila mismo ang magbibigay ng solusyon sa nakita nilang problema sa lugar sa pamamagitan ng proyekto.

Ang project proposal ay naglalaman ng mga kadahilanan sa pagsisimula ng proyekto, sino ang mga lalahok, mga inaasahang resulta, at karampatang pondo na kinakailangan sa paglunsad ng proyekto. Sa papamagitan ng Participatory Situational Analysis (PSA) na bahagi ng programang KALAHI CIDSS, ang mga volunteers ay nagsagawa ng pag-aaral ukol sa mga problemang kinakaharap ng kanilang barangay. Isa na nga rito ang kakulangan sa permanenteng pagkukunan ng ikabubuhay ng mga residente dahil pagsasaka ang karaniwang hanapbuhay ng mga ito, na kung taguria’y seasonal na uri ng trabaho. Dahil madalang ang panahon ng pagsasaka, madalang din ang panahon na mayroong kita ang mga residente. Samantala, ang ilan sa kanila ay maimbintahan na dumalo ng Livelihood Training sa kalapit na bayan ng Sto. Domingo; sila ay nabahaginan ng kaalaman sa paggawa ng Veggie Noodles. Isang klase ng noodles na may sangkap na gulay gaya ng kalabasa at malunggay.

Malunggay Veggie Noodles

Ang paggawa nito ay maaaring maging kabuhayan ng mga mamayan sa kanilang lugar. Kaya naman napagpasyahan nilang gumawa ng project proposal upang matugunan ang pangangailangan na ito. Dahil sa kanilang kaalaman sa paggawa ng project proposal, ito ay maayos na dumaan sa proseso at nababaan ng pondo sa tulong na din ng mga kawani ng ahensya gaya ng Project Development Officer ng SLP, Municipal Link ng Pantawid Pamilya, at Area Coordinator ng KALAHI CIDSS. Ang kilos na ito ay tinatawag na Convergence Strategy kung saan ang tatlong programa ng DSWD nakasentro sa pagpapaunlad ng antas ng buhay ng mamamayang Pilipino—nagtutulong-tulong para sa mas epektibong resulta ng pagbabago. Isa nga ang SLP Association ng Veggie Noodles Production sa mga halimbawa nito.

#DSWDMayMalasakit

#DSWDParaSaNakararami

#4PsDiTamad

#SLPBeneficiaries

#KalahiVolunteers

#DSWDTres

#ConvergenceInitiative

This post was written by:

- who has written 4 posts on DSWD Field Office III Official Website.


Contact the author

Comments are closed.

Transparency Seal

citizenzcharter

eaics_logo

philgeps

Tweets by ‎@dswdfo3


Related Sites

PHVsPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1YS5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8yPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yi5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yy5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1ZC5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9tcHVfYWRzZW5zZTwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9kaXNhYmxlPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbS9hZHMvMzAweDI1MGEuanBnPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfbXB1X3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9hZHNlbnNlPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX2Rpc2FibGU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHBzOi8vZm8zLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvdXBsb2Fkcy8yMDE3LzAzL2Jhbm5lcl9mbzMucG5nPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzI8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF91cmxfMzwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRzX3JvdGF0ZTwvc3Ryb25nPiAtIHRydWU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hbHRfc3R5bGVzaGVldDwvc3Ryb25nPiAtIGRlZmF1bHQuY3NzPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYXV0aG9yPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hdXRvX2ltZzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fY3VzdG9tX2Nzczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2N1c3RvbV9mYXZpY29uPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVhdF9lbnRyaWVzPC9zdHJvbmc+IC0gU2VsZWN0IGEgbnVtYmVyOjwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlYXR1cmVkX2NhdGVnb3J5PC9zdHJvbmc+IC0gU2VsZWN0IGEgY2F0ZWdvcnk6PC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVlZGJ1cm5lcl9pZDwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlZWRidXJuZXJfdXJsPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZ29vZ2xlX2FuYWx5dGljczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWVfdGh1bWJfaGVpZ2h0PC9zdHJvbmc+IC0gNTc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19ob21lX3RodW1iX3dpZHRoPC9zdHJvbmc+IC0gMTAwPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29faW1hZ2Vfc2luZ2xlPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19sb2dvPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cHM6Ly9mbzMuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC91cGxvYWRzLzIwMTcvMDMvcnN6X2ZpbmFsX2xvZ29fZHN3ZC5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19tYW51YWw8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vc3VwcG9ydC90aGVtZS1kb2N1bWVudGF0aW9uL2dhemV0dGUtZWRpdGlvbi88L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19yZXNpemU8L3N0cm9uZz4gLSB0cnVlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvcnRuYW1lPC9zdHJvbmc+IC0gd29vPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd19jYXJvdXNlbDwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd192aWRlbzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2luZ2xlX2hlaWdodDwvc3Ryb25nPiAtIDE4MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3NpbmdsZV93aWR0aDwvc3Ryb25nPiAtIDI1MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RhYnM8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RoZW1lbmFtZTwvc3Ryb25nPiAtIEdhemV0dGU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb192aWRlb19jYXRlZ29yeTwvc3Ryb25nPiAtIFNlbGVjdCBhIGNhdGVnb3J5OjwvbGk+PC91bD4=