Pamilya Ramirez, 2017 Huwarang Pantawid Pamilya

Pamilya Ramirez ng Hermosa, Bataan: 2017 Huwarang Pantawid Pamilya ng Gitnang Luzon.

Ang mga balakid sa buhay ay hindi hadlang sa pag-abot ng mga pangarap ng Ramirez Family mula sa Bataan. Isa sila sa mga Huwarang Pantawid Pamilyang naniniwalang ang edukasyon ang kanilang magiging susi para sa mas magandang kinabukasan.