Exemplary Children ng Gitnang Luzon

Huwag nating sirain ang ating kinabukasan, at ang kinabukasan ng bayan. -Dianne Kate B. Chumatay, 12, 2017 Pantawid Exemplary Child

“Huwag nating sirain ang ating kinabukasan, at ang kinabukasan ng bayan,” ito ang mismong pangungusap ni Dianne Kate B. Chumatay, 12, 2017 Pantawid Exemplary Child, sa kakatapos lamang na 2017 Regional Search for Pantawid Exemplary Child na ginanap sa WalterMart, San Agustin, City of San Fernando, Pampanga.

Ang mensaheng ito ni Dianne Kate ay nakaangkla rin sa Tema ng naturang Regional State na “Bata May Magagawa Ka, Iligtas ang Sarili at Bayan sa Droga.”

Layunin ng naturang patimpalak na kilalanin ang mga natatanging exemplary children ng Gitnang Luzon. Si Jhon Lawrence A. Soriano mula sa Maria Aurora, Aurora ang s’yang kinilala bilang first runner-up; si Justin Lee J. Ruiz ng Limay, Bataan; si Clarence Isaac C. Mindo ng Malolos City, Bulacan, na s’ya namang kinilala bilang second runner-up; si Joyce Ann Z. Tagle mula sa Sta. Rosa, Nueva Ecija; si Mark Joshua M. Enteria mula sa San Simon, Pampanga; si Roxanne Gail D. Guevarra mula sa Concepcion, Tarlac; at si Dianne Kate B. Chumatay mula sa Sta. Cruz, Zambales.

Si Dianne Kate, kasama ng mga kapwa niya exemplary child ay ang magiging katuwang ng DSWD sa pagpapaingay at pagpapatibay ng adbokasiya ng ahensya na dapat lahat ng bata at lahat ng Pilipino ay malaya mula sa gutom at kahirapan, may pantay na karapatan sa oportunidad, at ‘yan ay sa tulong ng patas, mapayapa, at may patay na pagtinging lipunan.

Sapagkat ang mga bata ay ang ating potential responsible partners in nation-building, responsibilidad ng gobyerno na siguruhin na sila ay mabigyan ng kompleto, tama at angkop na pasilidad kung saaan sila makakakuha ng kaalaman at katalinuhan na kanilang kailangan sa pagpapaunlad ng kanilang mga sarili at ng lipunan. Para sa mas siguradong bukas. ### (Andyleen C. Feje)