Mga larawan ng pagbabago, ‘yan ang baun-baon ng mga nakibahagi sa kakatapos lamang na Litrato Pagbabago: A Photo-journalism Contest ngayong araw, December 12, 2106, sa Walter Mart, San Agustin, City of San Fernando, Pampanga.
Sa unang pagkakataon, inulunsad ng DSWD Field Office III ang paligsahan sa pagkuha ng larawan ng mga kwentong tagumpay ng mga benepisyaryo ng Pantawid sa Sitio Capaya, Dolores, City of San Fernando, Pampanga.

Ang mga kalahok sa nasabing patimpalak ay mga high school na benepisyaryo ng Pantawid sa Rehiyon III, mula sa pito (7) nitong probinsya.

Nasungkit ni Imre C. Recto, ng Hagonoy Bulacan ang unang karangalan; ni Kurt Ronnel Cadiz, ng Balanga City, Bataan ang ikalawang karangalan; at ni Rommel Sobrenilla, ng Olongapo City, Zambales, ang ikatlong karangalan. Ngunit, hindi rin mamatatawaran ang karanasang naging hatid ng patimpalak sa mga iba pang kalahok na sina: Jaycile Pascua, ng Dilasag, Aurora; Vincent Ranille Esguerra ng Angeles City Pampanga; Cherrily A. David, ng Mexico, Pampanga; Dianne Joy Mariano, ng La Paz, Tarlac, at Vivien Loise Franco, ng San Isidro, Nueva Ecija, na mas lalo pang naudyukang magsumikap para sa masaganang bukas.

“A photo-journalist must capture pictures, with stories. Mga istoryang iba o angat sa nakikita ng pangkaraniwang mata–bagong perspektiba,” bahagi ni Mr. Christopher Navarro, Sun Star Pampanga Photojournalist, na isa rin sa nagsilbing hurado sa naturang patimpalak.### (Andyleen C. Feje)

image_pdfimage_print