Hindi kumpleto ang ikauunlad ng isang pamilya kung edukasyon at pangkalusugan lang, kailangang may pangkabuhayan, at kailangan ang kabuhayan ay nasa maayos na pamamahala at pamayanan,” iyan ang pinaka mensahe ng kakatapos lamang na kauna-unahang Convergence Day Celebration sa bayan ng Quezon, Nueva nitong nakaraan Disyembre 27, 2016, sa Danding Joson Covered Court, Dulong Bayan, Quezon, Nueva Ecija.

“Masuwerte ang bayan Quezon at naiimplementa o napapatupad ang mga programa ng DSWD dito ng walang political intervention o interference,” bahagi ni Gng. Avelina Dela Cruz, ang Municipal Social Welfare Officer ng nasabing bayan.

Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng daan-daang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Sustainable Livelihood Program (SLP), at Kapit-bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services-National Community Driven Development Program (KC-NCDDP) sa naturang bayan.

Ang bayan ng Quezon ay kabilang sa Convergence Area kung saan naiimplementa o napapatupad ang tatlong malalaking programa ng DSWD.

Ang naturang programa ay dinaluhan din ng DSWD Field Office III staff sa pangunguna ni Gng. Margaret Santiano, Regional Convergence Coordinator, at DSWD Provincial Extension Office sa Nueva Ecija sa pangunguna ni Gng. Mardee Fe, Provincial Link. Kanilang sinaksihan ang mga kwento ng pagbabago ng mga benepisyaryo ng bayan ng Quezon. Ang ibang benepisyaryo ay nagtestimonya habang ang iba nama’y idinaan ito sa malikhaing presentasyon tulad ng pagsasayaw, pagsasadula, at pag-awit–paabot nila’y buong pusong pasasalamat.

“Tandaan natin, ang pagbabago ay hindi lamang dahil sa DSWD o LGU (Local Government Unit), kundi dahil sa ating mga sarili. Darating ang araw na aalis na ang DSWD sa inyong lugar pero alam naming mananatili kayong nakatayo sa sarili ninyong mga paa at nakaabot na Level 3 ng SWDI (Social Welfare and Development Indicator) o Self-sufficiency,” pagbibigay diin ni Gng. Santiano matapos makinig at masaksihan ang mga kwentong tagumpay ng mga benepisyaryo ng bayan ng Quezon. ### (Andyleen C. Feje)

image_pdfimage_print