Ang Pamilya Bulso (nakapula), kasama si Dir. Leonardo C. Reynoso (una mula sa kaliwa), Sec. Judy M. Taguiwalo (gitna), at isa sa mga hurado, habang tinatanggap ang plake ng pagkilala at premyong P10,000. Nakamit ng pamilya Bulso ang ikalimang pwesto sa nakaraang 2016 Search for Huwarang Pantawid Pamilya.
Ang Pamilya Bulso (nakapula), kasama si Dir. Leonardo C. Reynoso (una mula sa kaliwa), Sec. Judy M. Taguiwalo (gitna), at isa sa mga hurado, habang tinatanggap ang plake ng pagkilala at premyong P10,000. Nakamit ng pamilya Bulso ang ikalimang pwesto sa nakaraang 2016 Search for Huwarang Pantawid Pamilya.

Mula sa labing walong pamilya a iba’t-ibang rehiyon ng bansa, tinanghal ang Bulso Family, mula sa Barangay Dibutunan, Dipaculao, Aurora na isa sa mga limang nanguna sa (4th runner-up) Huwarang Pantawid Pamilya, ngayong araw, October 1, 2016 sa Commission on Audit (COA) Sport and Cultural Center, Quezon City, bilang bahagi ng selebrasyon ng National Family Day.

Ang naturang nasyonal na paligsahan ay naglalayong kilalanin ang mga huwarang pamilya – mga pamilyang may matatag na samahan na ang pundasyon ay pagmamahalan, sa buong Pilipinas; at mga mahihirap na pamilyang Pilipino na nagsusumikap na tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay, at magbigay ng mas magandang bukas.

“Sa pamilya tayo nagiging tao, sa pamilya rin nahuhubog ang ating pagkatao,” bahagi ni Sec. Judy Taguiwalo, na dumaan pa sa naturang paggawad upang batiin at pasalamatan ang mga natatanging pamilya.

“Nakita ko pa lamang po ang mga pamilyang nagsusumikap sa kabila ng kahirapan, tulad ninyo, ay ‘yun na mismo ang inspirasyon,” wika naman ni Asec. Malou Turalbe na nakibahagi rin sa pagdiriwang.

Ang Pamilya Bulso ay nakakuha ng plake ng pagkilala at premyong P10,000.00, bukod pa sa P20,000.00 na napanalunan nila sa palighasang pangrehiyon.

Ayon kay Liliosa Bulso o Nanay Lota, ang ilaw ng tahanan, ang ibang bahagi ng premyo ay gagamitin nila upang tumulong sa pagpapatayo ng bagong simbahan sa kanilang lugar at ang iba naman ay idadagdag nila sa kanilang puhunan sa negosyo at pampaaral ng kanilang mga anak.### (Andyleen C. Feje)

image_pdfimage_print