KALIPI

“Ang mga kababaihan ay nawawalan ng kumpyansya sa kanilang mga sarili dahil sa pananakit na pisikal at emosyonal sa kanila. Kaya naman gusto ko magsilbing modelo ng empowerment—maging inspirasyon sa pagbangon nila,” ang nagpanalong sagot kay Ms. Darlyn P. Ang, 37, sa nakaraang Mutya ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) noong March 29, 2016 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan. Tubong Bulacan, si Darlyn ay benepisaryo na ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program bago pa naging miyembro ng KALIPI. Ayon sa kanya ay ginamit niya ang kanyang mga natutunan sa Pantawid upang makatulong sa mga kababaihan, lalo na sa mga kapitbahay niyang inaalipusta sapagkat hindi niya nais ang nakakakita ng mga ganoong pangyayari.

image_pdfimage_print