Bata

“Maraming bata ang naghahangad na maging kami,” pagmamalaki ni Aileen Carida, 19, president ng Bata, Alaga ko.

Ayon sa kanya ay nagkaroon sila ng pangalawang pamilya sa katauhan ng Bata, Alaga ko. Dagdag pa niya’y ‘di lang sila basta nahahasa ang kanilang talento sa pag-awit, pagsayaw, at pag-arte kundi mas mapagtibay pa ang kanilang magandang pag-uugali. “Mas nagiging responsible kaming mga kabataan—natutunan naming magpahalaga ng oras namin, at ng ibang tao,” wika ni Aileen.

Ang Bata, Alaga Ko ay isang grupong inorganisa para sa mga anak ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa pangunguna ni Erwin Vicente, Provincial Link (PL) ng Bulacan, para magsilbing daan upang lalo pang mahasa ang kanilang mga angking galing at husay sa larangan ng larangan ng pag-awit, pagsayaw, at pag-arte. Ang mga miyembro nito ay dumaan sa masusing pagpili; hindi lamang dapat sila may mga angking talento kundi dapat ding maganda ang kanilang mga grado, aktibong miyembro ng Pantawid ang kanilang mga magulang, magandang ang parehong panlabas ang pangloob na katangian.

“Gayunpaman, ang layunin ng Bata, Alaga Kong Bulacan ay ‘di natatapos sa pagiging Pamilya Cum Theatro, kundi mas iaangat pa ang kalagayang pisikal, mental, emosyonal, sosyal, at espirut’wal ng mga kabataang kabilang dito,” ani Emmanuel Francisco, Municipal Action Team (MAT) leader.

“Nakita kong iisa lamang ang ninanais ng mga batang ito, at yun ay ang makatapos ng pag-aaral at maging masaya sa kanilang buhay. At ang samahang ito ang nagbibigay pag-asa na maisakatuparan ang kanilang pangarap,” ani Alvin Santiago, City Link ng San Jose Del Monte City, Bulacan. Tulad nalang ni Aileen na ang pangarap ay maging Performing Artist.
Sa kasalukuyan, ang grupo ay binubuo ng 23 miyembro ang patuloy na umaarte, umaawit, at sumasayaw sa saliw masidhing pagnanais nilang magpasaya at maging masaya. “Ang art ang nagbibigay ng kulay sa buhay ng tao,” ang baong pilosopiya ng grupo. ### (Andyleen C. Feje)

image_pdfimage_print