Amelita

“Dahil sa Pantawid Pamilya makakaahon na kami sa hirap.”

Ito ang sinambit ni Amelita Samorin, 47 taong gulang ng Barangay Sapangbato Angeles City sa kanyang testimonya sa TV at radio stations sa Lungsod ng San Fernando.

Si Amelita, benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at isang parent leader ay nakasali sa programa noong 2011. Sa kasalukuyan ay dalawa sa mga anak nya ang kasali sa programa, si Jade, grade 9 at Xyryl Joy, grade 4.

Isa si Amelita sa mga benepisyaryo ng programa na nakasali sa mga naging panauhin sa mga panayam kay Assistant Secretary Javier Jimenez sa kanyang local media rounds sa Gitnang Luzon.

”Malaking tulong ang Pantawid Pamilya sa aming buhay dahil naibsan ang hirap namin sa buhay; nagkaroon ng panggastos sa pag-aaral ang mga anak ko at hindi na problema ang allowance at iba pang gastusin sa school,” ang sabi ni Amelita sa isang interview sa TV.

Dati ay umaasa lamang kami sa aking asawa na si Joselitos na kumikita ng P500.00 kada araw bilang electrician pero ito ay hindi palagian. May P1,700 na allowance din akong tinatanggap kada buwan bilang isang Barangay Nutrition Scholar sa aming barangay pero hindi pa rin ito sapat dahil lima ang aming mga anak, sabi ni Amelita.
Ang cash grants na tinatanggap nila ay nakatulong din ng malaki sa pamasahe ni Kevin, pangalawa sa panganay na anak nila na nakapagtapos ng BS Biology dito sa isang unibersidad sa Angeles City bilang isang scholar, dugtong ni Amelita.

Bilang parent leader, naglalakad ng mahigit na isang kilometro si Amelita kasama ang City Link upang marating ang mga benepisyaryong Aeta ng programa. “May pasaway sa kanila pero kaya ko silang pakitunguhan at natutuwa ako dahil nakakapag-aral na ang kanilang mga anak. Natuto nilang pahalagahan ang edukasyon at nag-improve na rin ang kanilang hygiene practices. Ang lahat ng ito ay dahil sa natutunan nila sa regular na pagdalo sa Family Development Session. Hindi ko iniinda ang pagod dahil alam kong nakakatulong din ako sa kanilang pagbabago,” ang may pagmamamlaking tinuran ni Amelita.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa ating gobyerno at sa Pantawid Pamilya dahil marami ang natutulungan at patuloy na umaahon mula sa kahirapan. Pinahahalagahan namin ang Pantawid at lalo kaming nagsisikap na mangarap upang makaahon sa hirap. Maraming salamat po,” ang pangwakas na mensahe ni Amelita. ### (Evelyn T. Manalo)

.

image_pdfimage_print